Kung totoo lang talaga na nagtutulungan tayong lahat pagdating sa pag-improve ng community sa Pinas, matagal na dapat na malaki at malawak ang influence ng bitcoin sa Pinas, ang kaso nga lang ay marami pa din lubog sa kahirapan at walang kaalam alam sa teknolohiya kaya ayun medyo alanganin at mahirap din yang sinasabi mo na mapalawak ang kaalaman kasi ang pagkakaalam ko na hindi ka basta basta mag-oorganize ng information drive ng walang pahintulot ng LGU.
Sa totoo lang ha, Madami padin talaga sa mga kapwa natin ang walang kapasidad na makapag invest sa bitcoin kahit aware sila dito, Unang una na nga yung nabanggit mo na wala silang mga pera at walang kaalaman sa technology... Pero gusto ko lang din sabihin na hindi kasi sapat na may pera ka lang at nalaman mo lang ang tungkol dito dahil pag promote ng iba, yung iba kasi, marinig lang ang salitang malaki ang return of investment, Willing na talagang ilabas yung pera nila kahit last resort nalang nila hawak nila e, Ang pinaka importante talaga ngayon ay ibahagi ng tama at mas lumawak ang kaalaman nila sa pag iinvest sa bitcoin, hindi lang dahil sa malaki ang kinikita dito.
Marami akong kilalang ganyan, alam lang nila bumili sa Coins.ph at Gcash Crypto pero hindi nila alam yung mga terminilogy at yung actual na pag transfer from one wallet to another wallet, peti nga centralized wallet at decentralized wallet hindi rin nila alam.
Yung mga serious investors lang talaga ang nag aalocate ng time at effort para tuluyang matutunan kung ano ang Cryptocurrency at paano ang tamang paraan ng pag invest.
Siguro nasanay lang talaga tayo sa centralize method ng transaction kaya nahihrapan ang karamihan na gumawa ng shift from centralized to decentralization.