Basic Tutorial sa Candlestick: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5484362.0
Hello magandang araw muli sa mga kababayan ko dito, ito ay pagpapatuloy lang ng aking Basic tutorial sa mga price movement gamit ng isa sa mga indicators sa Crypto Trading. Ngayon ay tuturuan ko kayo kung pano maghanap o magbasa ng price movement sa chart? pano tayo maghahanap ng trend sa chart? at kung pano ba natin maidentify kung pababa o pataas ba ang price gamit lang ang mga linya o line.
Okay guys ito lagi nyong tatandaan na meron lang 3 movements na ginagawa ang market, at ito ay ang UPTREND, DOWNTREND, and CONSOLIDATION/RANGING huwag nyong kalilimutan ito, dahil ang mga yan ang mga galaw na ngyayari stockmarket, Forex at Bitcoin/Crypto trading industry.
Simulan natin sa,
UPTREND ibig sabihin kapag nakakakita ka ng ganitong movement katulad ng larawan sa ibaba ay pataas siya, na ang ibig sabihin ay gumagawa siya ng trend pataas kaya ito tinawag na uptrend.
Kapag madami siyang touch sa linya na nakikita ninyo ay ibig sabihin lang nito ay valid Trendline siya. Dahil ang trendline ay ginagamit as entry point. Ibig sabihin ulit ay everytime na didikit yung price candlestick sa trendline sa ibaba ay the idea is tatalbog ito or magbabounce siya. Basta every time na magtouch siya trendline sa ibaba ay ibig sabihin magbabounce pa siya ulit.
Tandaan lamang natin na ang concept ng trading ay " We buy low, We Sell high" Ibig sabihin as long as na pinanantili nito ang presyo sa trendline ay magpapatuloy lang yan pagtaas.
Ang isa pang senaryo naman ay sisirain nya yung market o magiiba naman ito ng trend na magiging
DOWNTREND naman siya. Ngayon, pano natin malalaman na pababa na yung market? Ang sagot dyan ay kailangan ay sirain nya yung linya o trend.
Ngayon punta naman tayo sa 3 movement ang
CONSOLIDATION O RANGING, ang criteria naman natin dito ay once na nakukulong lang yung price movement sa loob ng parang box o dalawang line, tapos ang touches naman nito ay straight lang, hindi siya pataas at pababa gaya ng nakikita ninyo sa larawan sa ibaba.
Makikita nio sa larawan ay walang ranging market na ngyayari o walang trend, makikita nio ang ranging market price sa gitna ng Trend o trendline. Ngayon, yung mga galaw ng candlestick or yung ranging nya nakakulong lang yung galaw nila sa pagitan ng dalawang trendline. Ano ang ibig sabihin kapag nakakita ka nyan? Ang sagot dyan ay senyales yan na magpapatuloy yung kasalukuyang trend na ngyayari sa market, so ibig sabihinkung uptrend o downtrend ay magtutuloy-tuloy parin ito sa trend na nangyayari.
Take note ngyayari lamang ang consolidation sa gitna ng trend, bukod dyan kung ano ang hinaba ng ranging ay ganun din ang magiging sukat o haba ng trend na ipagpapatuloy nya, tandaan nio yan. Kumbaga sa minamanehong sasakyan kapag may paahon kailangan may bwelo, dahil kung ano ang haba ng bwelo mo yun din ang magiging sukat ng pag-ahon o pag-angat ng sasakyan mo. Dahil pag- maiksi lang ang bwelo mabibitin ka sa pag-ahon ang resulta bababa ka ulit, ganun din sa trading kapag umaangat siya ng trend.
Reference:
What is TRENDLINE? -
https://www.babypips.com/forexpedia/trend-lineWhat is UPTREND and DOWNTREND? -
https://www.wallstreetmojo.com/downtrend/What is CONSOLIDATION? -
https://www.investopedia.com/terms/c/consolidation.asp