magkakaroon yan kung yung mga player ay laro yung iisipin, karamihan kasi sa mga player ngayon gusto agad kumita kaya hnd na iniisip yung laro, pag mahina yung kita konti lang naglalaro pero kung iisipin lang ng player ay maglaro lalaki yung kita nila malaki din yung bigay na premyo, opinyon ko lang po naman
If pure game play lang ay sobrang daming games na mas maganda kumpara sa Axie. Kaya lang naman sumikat ang Axie ay dahil sa profit potential galing sa ponzi like game mechanics nito pero kung pure game lang ay malabong madami ang magtya2ga laruin ito.
Sobrang saturated na pati ng P2E market kaya sobrang hirap buhayin yung mga dating games lalo na yung axie mismo ay napakadami ng axie dahil sa breeding system.
Siguro kung sisikat man ulit ito ay hindi na ganoon kalaki ang profit dahil flooded na ang token at axie mismo.
Daming naglabasan ngayon lalo na yung nasa play to airdrop status pa na mas maganda kay axie pero ewan kung may magiging sobrang successful sa kanila gaya ng nangyari sa larong ito. Sa ngayon medyo iwas na mga tao mag invest sa mga p2e at pinag tiyagaan nalang laruin yung mga free dahil may makukuha sila rito. At sa axie naman may makukuha pa namang maliit na halaga at kung wala ang bounty quest at premier bounty quest nilang yan malamang wala na talagang maglalaro sa axie.
Maliban sa saturated na talaga ang p2e scene ay medyo marami naring mga tao na alam na ponzi schemes or scams ang mga ito. Kaya medyo malabo na yung same success na makukuha ng mga bagong lalabas at iwas nadin ako sa mga ganyan.
Na hype yung pixel dati pero ewan mukhang nanahimik lang din agad. Baka di masyado kumikita ng malaki mga tao dun.