Naranasan ko nayan lalo nung last bull run sobrang solid ng mga flex that time tapos may nag message sakin na close friend tapos patulong daw after nya naman kumita is biglang down trend na market eh ako tamang abang lang naman sa market to make sure safe yung asset ko tapos nung hindi nya pa nabawi ung puhunan nya is nasisi pa ako dahil di daw ako nag abiso.
Minsan nakaka sira talaga ng pag kakaibigan yan lalo if di naman kayo both open minded sa crypto and volatility. If yung isa gusto lang kumita without knowing other factors.
Oo kabayan kaya dapat ingat din sa pagtulong kagaya ng nangyari sayo napasama ka pa, samantalang nung kumukita hindi naman nagrereklamo pero nung napagiwanan na eh nansisi na, kung hindi open minded at hindi rin ready sa pag take ng risk mabuti pang wag mo na lang pakikialamanan or tutulungan kasi ang gusto lang eh pakinabang, sa lahat naman kasi ng investment palagi din may kaakibat na risk dapat alumin muna ng maayos bago pumasok para walang mangyayaring sisihan or sarili mo lang ang sisihin mo pag nagkataon.
- Oo tama ka dyan, saka okay narin na ngyari yan at least nakita mo din yung totoong kulay ng tao kung anong klase siyang nilalang pagdating sa personality. Saka sa panahon din kasi ngayon yung masama nagiging mabuti na sa mata ng iba at yung mabuti ay nagiging masama naman sa iba. Kumbaga, kung yun ngang wala kapang ginagawa na masama at hindi kilala ay napag-iisipan kapa na masama edi how much more pa kaya kung magkwento ko sa kanila tungkol sa crypto.
Kaya ang susi nalang talaga ay do their own research nalang yan ang kanilang gawin, at least sa senaryong ito makikita natin at sila kung interesado ba talaga sila sa gusto nilang malaman dito sa crypto space.