Tingin ko ay mas maganda na din na magkaroon tayo ng karagdagang option para makabenta tayo ng crypto, ang inaalala ko lang talaga dito ay baka malaki naman yung fee, tiyak ako na kapag diyan ka sa pawnshop gagawa ng transaction mo ay siguradong malaki yung tatagain nila na fee sayo lalo't cryptocurrency yan sigurado na ang idadahilan nila sa inyo ay volatile yung cryptocurrency kaya gusto nila hangga't maaari ay hindi sila malulugi, tingin ko nga sa mga ganitong panahon lang yan sila available sa ganyan na serbisyo, tignan natin kapag nagsipump lahat ng mga top cryptocurrency, magagawa pa kaya nila yung offer nila na yan.
Isa rin yan sa maging issue. The last time is mas maganda rates ng Moneybees compared kina Coins.ph. Pero baka pag sa Moneybees partnership na pawnshops tayo magcashout or cash in ay mas mataas ang fees dahil dalawa na silang kukuha ng profit. Malalaman lang talaga natin ito pag meron sa atin dito nakapagtry or inquire both sa cash in at cashout.
2 buwan na rin ata ako di nakapagcashout. At ito ang una kung cashout na hindi gamit si Binance for several years. Kaya maganda rin makakuha ng updates kung saan maganda mag cashout.
- Kung gusto mong makapagcash-out ng malaking halaga ng pera na galing sa crypto, meron akong mga kilalang merchants sa p2p na pumapayag ng meet-up ngayon itong mga p2p merchants na kilala ko ay meron sa binance, Bybit, okx at bitget. binigay nila sa akin yung kanilang mga contact number din.
At least itong mga tao na ito, nakikilala ko lang din sa p2p exchange, kasi sabi ko kapag nagencash ako ng malaking halaga makipag-meet-up nalang ako at sabi naman sa akin ay madami naman na daw silang nakakameet-up na nakipagtransact sa kanila ng malaking halaga. Ngayon dyan sa Moneybees cash out lang maganda dyan huwag cash-in.