Sa tingin mo kabayan di pa ma-ban ang app this week? Meron na order ang SEC kay Google na tanggalin sa Ph app si Binance. Gustong-gusto ko rin sana magstake, lalo na meron rin ako USDT pang salo sana sa dip. Sana mag-comment rin ang iba nating kababayan para naman marami tayo magrisk.
Hindi yan bro at kung sakali man na maban totally ang Binance ay magbibigay sila ng advance notifications sa lahat ng affected users para mkapag withdraw ng funds.
Hindi pwede iseize ng Binance ang funds natin lalo na kung wala silang advisory sa changes tapos dapat may notice. Ibang usapan na kung Binance mismo ang magsasara kagaya ng nangyari sa FTX.
Stake lang habang pwede pa.
Thanks bro. Sinunod ko na payo mo at nag stake na rin ako kanina. Sayang rin kasi lalo na free money lang at sikat rin si Renzo Protocol kaya may chance talaga na malaki ang maging value ng kanilang tokens.
Mas gumaan rin ang pakiramdam ko ng nagkaroon ng statement mismo si Binance. Alam ni Binance na mas gusto ng mga Pinoy gamitin ang kanilang platform kaya sigurado gagawin nila ang lahat na hindi maipit kanilang mga loyalists at old clients. Nasanay na rin talaga ako sa Binance dahil 2017 pa ako sa kanila.