- Ang mali kasi sa mga opisyales ng gobyerno natin ay kokopya narin lang naman pala ng ganitong mga bagay sa ibang bansa ay hindi pa nilubos ang pagkopya, sana ginaya narin nila yung ginagawa sa Singapore na kapag bumili ka ng simcard dun ay yung mismong dealer o retailer ng simcard na mismo ang magrerehistro ng simcard na bibilhin mo dahil sila kasi ang mananagot kapag hindi nila yun ginawa.
Dito kasi sa atin hindi ganun ang ginawa basta bumili ka lang ng simcard ay ikaw na bahala magrehistro at yung simcard ay may expiration lang bago ito madeactivate ng 2 or 3months ata kapag hindi narehistro. Siempre ang haba ng duration period para makapangscam sila ng mga kababayan natin at kapag natapos na yung due ay bibili ulit sila ng simcard, diba?
Ang nangyari sa atin ay parang for the sake lang kumbaga na tulad na tayo ng ibang maga bansa na registered mga sim cards. Pansin ko nga doon sa Singapore at sa ibang bansa rin na nakabili ako ng simcard ay kakaiba. Automatic sa mismong credited store ka lang makabili ng sim cards at hindi yung kahit saan-saan lang. At automatic e-reregister ka nila doon sa pagbili mo pa lang ng sim card. Hihingi sila ng mga details sayo at sympre ID. Pag meron mga kulang na need nilang details o di kaya mga ID na unacceptable sa standard ay di ka makabili ng sim card.
Oo, tama ka dyan, kasi yung Girlfriend ko nasa Singapore yun, kapag first time mo daw dun ay obligado ka talaga na bumili ng Simcard, at pagkabili mo ay hihingan ka nga daw ng valid id dahil ireregister mismo ng dealer ng sim yung binili mo na simcard. Dapat ganun din ang ginawa dito sa atin yung sa retailer palang ng simcard ay sila na magrerehistro ng new number natin.
Ngayon, tungkol naman sa scam phone call scheme ay meron akong napanuod na balita sa 24 oras last year pa na balita yun na kung saan ay binalita nila na pwede raw ma clone talaga ng mga hacker yung simcard number natin ng hindi nila ito nahahawakan posible daw talaga yun dahil meron silang dinadownload na apps para magawa yun, kaya dapat maging maingat daw talaga yung mga users ng simcard, huwag daw basta agad-agad papayag na ipa-access yung kung meron man na lalabas na asking permission to access your video, pictures, sa phone mo lalo na kung maglalaro ka lang naman daw ng games sa phone na dinownload mo madalas daw kasi dun pumapasok yung hackers at sa iba pa. Kaya ingat mga kabayan.