Decentralized nga diba? pwede naman kahit nasa regulation yung isang bansa na iadopt yung decentralized kung isasaalang-alang yung kapakanan ng mamamayan nilang nakikinabang sa crypto na meron parin naman silang pakinabang.
You sounds like hindi mo na gets mga sinabi ko.
Ngayon, ano yung pakinabang sa kabila ng walang lisensya? siguro yung paglipat ng pera sa gcash at maya na regulated mismo sa bansa natin, edi sana pinagbabawalan din ng SEC natin yung gcash at maya na regulated sa SEC natin na huwag mag-aaply ng pagiging merchant sa mga katulad ng ibang exchange tulad ng Bybit, bitget at okx kung bawal naman pala itong mga ito? eh bakit din hinahayaan ng SEC ang gcash at maya na makapag-implement ng business itong mga ito sa mga centralized platform na ito?
"ano yung pakinabang sa kabila ng walang lisensya?"
Wala, (in legal and privacy POV) they (exchange) just taking the advantage the thought na wala silang babayarin na tax sa gobyerno natin while using PH locals as there products, keeping hostage your personal info.
And don't be confused, and don't be misinformed sa pag i-implement ng mga exchange or p2p platforms ng mga local payment option kase hindi affiliated si gcash or maya or whatever local banks sa mga platform na ito. Unless they (local payments) offer API for transaction to these crypto platforms. On the other hand, walang control ang mga local payments (wallets, banks, etc) sa mga transactions na galing sa mga platform na yan, not even SEC can stop that, unless they release another list of ban exchanges.
Kaya, ang kaya lang nilang gawin is to let everybody know na "mag ingat" and "avoid sa mga unregulated platforms" yan naman ang usually lines ng SEC it's for safety purposes na usually minamasama ng mga karamihan.
Kase once mag file sila (exchanges) ng bankruptcy, "priorities" nila yung mga nationalities kung saan sila regulated it will take time and years, check FTX. Eh di naman sila sakop ng law natin kase unregulated sila, kaya walang habol ang mga locals natin when it comes to legal rights. At once your funds are stock in these exchanges need mo file ng lawsuit for them to act, and then again hindi sila sakop sa cybercrime law kase nga unregulated sila kaya wala tayong habol if ever na ganyan ang scenario
On users POV for easy access, ease of use, eh malaking bagay talaga sa mga users including me kase maraming benefits and options na andyan sila, but i limit kung saan ako mag re-register.