Talong talo ako sa zksync, medyo malaki na din gas fee ko nagamit pero hindi ako eligible sa airdrop. Dami ko din nakikita issues and FUDS sa twitter about zksync, let's see kung ano mangyayari sa listing date. Maraming tao yung masakit yung loob dahil sa elibility criteria nila, dami din nalugi like me. But yeah, airdrop to at walang kasiguraduhan, medyo masakit din sa loob ko nung nakita ko na not eligible ako pero move on nalang kasi wala namana tayo magagawa.
At least dyan naman ako hanga sayo kabayan, kahit na alam mong masakit sa part mo dahil nagexpect ka nga, pero ayun failed parin medyo nakakadismaya talaga yun, parang yung iba na alam ko na gumastos din ng malaki bukod sa gas fee ay bumili pa nga ng mga NFT pero in the end hindi siya napasama manlang sa airdrops dahil nasa 50k din daw yung nagastos nya sa lintek na pa airdrops tapos hindi naman pala siya makakasama sa mga qualified participants, lesson learn talaga.
Ganyan dapat din ang maging kaisipan ng mga participants, na kung saan ay mabigo man sa inaasahan na mapapasama tayo ay dapat hindi rin talaga nag-eexpect at move-on lang din talaga ang tanging magagawa natin dahil ganyan talaga sa kalakaran ng airdrops.