Kahit pala sa P2P parang feeling mo hindi ka pa din safe, nagulat ako nung nakita ko to kasi pwede ka pala gumamit ng mismong sms provider nila at gamit pa mismong gcash hindi kaya insider job ito or just breach na naman sa information nila tsaka parang kaduda naman na allowed sila gamitin ung ginagamit ni gcash for sms if kaya nila gawin to for sending funds na ma fake is for sure kaya din nila mag manipulate ng mga OTP, kaya minsan di nako nag p2p eh at least direct na sa wallet ko para less hassle if safe paba or hindi, will watch this thread if paano nila nagawa yun.
Mas malaki naman talaga ang chance na ma scam sa p2p transactions kaya maraming awareness, notes and knowledge ang always ginagawang reminder para makaiwas sa mga ganyan. Unlike sa direct business merchant service ang pag bili ng crypto.
Ang strategy na ito ay easier sa mga international sms provider service na pwedeng makapag gamit ng custom name ng sms or you call it sender id. Kase if local sms provider ito, di magagawa ang ganyang bagay since need ng business docs bago ka ma approved sa ganitong sms name (experienced it before). You received it like the same sa sms thread ng Gcash since the same ang name nila so parang na merge lang sila. Hindi ito insider job or breach of data since its simple tactics at loophole sa sms. If ever man na breached yan, no need na mag send ng sms rekta bawas agad sa balance ng user ang gagawin nila.
Best thing to check talaga, first is sa sms, then in-app notification (sa notification panel), and lastly sa app mismo to verify na received na exact amount.