Feel ko is gusto lang nila humabol sa trend and they know the potential of the use of the crypto so I guess nag adopt lang sila pero syempre kung magkakaroon sila ng exchange is panigurado medyo aangat lang yung price ng bitcoin kasi alam naman natin kung gaano na katagal nag operate sila tsaka okay din ginawa nila kasi feel ko may nag iinquire na din sa kanila ng ganitong mode of payment kaya siguro naisipan nila mag adopt. If mag boom ito sure susunod na din yung ibang companies.
Kaya nga siguro dahil kung alam naman nila na walang demand sa kanila ang bitcoin ay malamang na hindi nila ito papasukin dahil for sure di sila papasok sa isang bagay na hindi sila sure sa resulta. Pero tingin ko napag aralan na nila tong negosyong balak nila pasukin at malaki naman din talaga ang possible na kikitain nila kung magiging successful yung exchange na kanilang ilulunsad. Kaya kung mag succeed man sila dito ay for sure madami ang susunod dahil malaki ang kompanyang to at tyak makaka impluwensya sila ng iba pang kompanya na pasukin ang industriya ng crypto at e accept ang bitcoin as option sa kanilang kompanya.
Magandang development ito dahil isa na namang institution ang nagka interest na mag lunsad ng kanilang Bitcoin and crypto exchange. For sure na dahil dyan maraming pang mga kompanya ang magkaka interest na mag invest or di kaya sundan ang ginawa nila lalo na kapag nakita nilang naging successful ang kanilang bagong negosyo.
Sa ngayon nag prepare na ang Sony sa pag launch ng kanilang cryptocurrency exchange.
Narito ang artikulo patungkol sa balitang ito
https://bitcoinmagazine.com/business/105-billion-electronics-giant-sony-to-launch-new-bitcoin-exchangeTingin nyo sa ginawang ito ng SONY magiging hudyat kaya ito ng mas malawakan pang bitcoin adoption?
O isa lang itong normal na kaganapan sa mundo ng bitcoin at crypto?
Normal nalang na kaganapan yan sa aking nakikita at napapansin, hindi naman sasakay yan sa trend kung alam nilang hindi ito ang trend ngayon. Imagine ilang taon naba ang Bitcoin o cryptocurrency sa field na ito, diba nasa 14 years na ito tapos ngayon lang naisip yan ng SONY, bakit hindi nila yan naisip nung 2017 na kung saan nagsimula ng pagputok talaga ng price ang bitcoin sa merkado?
Lumipas pa ang 7 years bago nila narealized yan, sumasabay lang sa agos yan, at hindi ko rin nakikitang hudyat yan ng malawakan ng Bitcoin adoption, well sana nga makatulong3 sa mabilis na adoptions, pero hindi talaga sa aking palagay, though okay narin dahil malaking company ang SONY.
Baka nag conduct pa sila ng malalimang study kung worth it ba ang pagpasok nila sa industriyang ito at yun nga ang tamang gawin since hindi basta basta ang pag decision nila dahil kung magkamali sila ay malaki ang mawawala sa kanilang kompanya.
For sure naman sumabay talaga sila sa trend dahil pag hindi baka maging huli sila at habang malaki pa ang kanilang kompanya ay nag adopt na sila at nag lunsad ng exchange which is good dahil for sure madami ang magkaka interest dahil automatic na magtitiwala ang tao sa kanila dahil may pangalan na agad sila at di mag iisip ang mga tao na scam ang exchange na kanilang ilalabas.