Salamat sa pagbahagi ng impormasyon.
Ang partnership ng Tether at Web3 shopping at infrastructure firm na Uquid ay nagbibigay-daan para sa mga bayarin sa SSS gamit ang USDT sa TON blockchain. Ito ay isang magandang hakbang para sa ating crypto community, lalo na’t hindi na natin kailangang dumaan sa iba’t-ibang third-party apps para sa ating mga transaksyon.
Pinanood ko yung video tutorial sa X kung paano magbayad ng SSS contributions with USDT-TON on UQUID.
https://x.com/uquidcard/status/1803669338676928699Telegram bot: @uquidbot
Kinasanayan ko ng magbayad quarterly sa mismong SSS mobile app gamit ng Generated PRN, pero sa payment process ng uquidbot wala ako nakitang PRN.
Pinanuod ko yung video sa binigay mo na ito dude, at nakita ko na walang PRN, pero mukhang direkta narin naman agad sa SSS number account na ilalagay natin. Saka before naman diba wala namang PRN na hinihingi? ewan ko lang kung tama ako ah, nagkaroon lang naman ng PRN nung nagkaroon na ng online payment sa SSS, pakitama nalang ako kung mali yung aking palagay at pagkakaintindi.
Pero susubukan ko yan gamit ang TON network, para kasing lalabas nyan, maglalagay karin ng USDT sa ton network then from TON blockchain to Telegram ay mabilis lang din naman ang transaction nasubukan ko na yan, pero not in SSS payment pa now palang siguro.