Narinig niyo na ba itong Rodarmor Rarity Index sa Bitcoin?
Ang pinakamadaling ekplanasyon dito ay, kada isang Satoshi ay may katangian. Naka depende ito kung kelan na mine ang Satoshi sa loob ng isang block
(Block ay naglalaman ng madaming Satoshi). Ibig sabihin, kada Satoshi na namimina ay may katangian -
gaano ka RARE (madalang or bihira) ang satoshi na namina.Ito din ay under sa Bitcoin Ordinal - ibig sabihin ay kada satoshi na meron tayo ay may kanya kanyang naiiba na pagkakilanlan (unique identifier).
Bakit ito sa iba ay mahalaga?Dahil pwede mong ebenta ang satoshi na hawak mo o pwede ka ring bumili, ang presyo nila ay nakadepende kung gaano ito ka
rare.
May mga platform din na pwede mo e check ang Bitcoin wallet mo if meron kang hawak na rare na mga satoshis, isa dito ay itong:
sating.ioAno sa tingin niyo ito? Tingin niyo mananatili ito at may future dahil ito ay under sa Bitcoin or wala lang?