Binabalak ko na din sana mag register sa bitget at dahil parang naiintriga at nahihikayat na ako sa totoo lang pero wala pang interesting para sa akin sa mga offers nila. Itong post ni OP, halatadong taga bitget siya pero okay lang naman walang kaso sa akin yan. Halos lahat naman ng mga exchange ganyan ang sinasabi na sila ang top 1 at sila ang pinaka kilala sa ngayon. Pero in terms of volume, iba iba talaga ang laki ng bawat isa na yan at naniniwala pa rin ako na binance yun kahit na di ko na sila ginagamit dahil nga kay SEC at sa issue nila dito sa bansa natin.
Ako matagal ko ng ginagamit ang Bitget at so far naman wala akong nakakaharap na isyu sa platform na ito, partikular sa p2p features na meron siya, maging sa airdrops yung address sa bitget ang ginagamit ko at pumapasok naman yung ibang airdrops na sinusubukan ko na legit naman siya. At tama ka naman din na magkakaiba naman talaga ang mga bawat exchange.
Sa akin kasi, kung madaming mga top exchange let say yung mga kasama sa top 20 na merong p2p features ay magaganda at maayos gamitin ang mga yan, ang problema lang kasi sa iba na nagsasabi ay baka daw matulad din sa Binance, dahil yung SEC daw natin ay masyadong mahigpit na ngayon, opinyon nila yun at wala din naman na kasiguraduhan kung mangyayari ba yung sinasabi nila, yung iba nga til now sumusugal parin sa paggamit ng Binance dahil naoopen parin naman daw nila, gayong nagbigay na ng babala ang SEC natin regarding sa Binance. Tapos itong Bybit, Bitget, Okx sinasabi ng iba dito na very risky daw, bakit meron bang top exchange dito sa crypto space na walang risk? Yung assessment kasi na sinasabi nila wala pa naman silang concrete source na masasabi nilang gagawin din ng SEC yung ginawa nito sa Binance. Bakit sinabi naba ng SEC na ipapablock narin nila ang IP ng bybit, okx at Bitget dito sa bansa natin? diba wala pa naman? edi habang wala pa let's enjoy the features na meron ang mga ito na makakatulong pa sa atin ganun lang yun.
Ngayon ang tanung, ano ba ang mas risky yung nagbabala ang SEC sa binance at sa mga users nito na huwag ng gamitin ang platform na ito na kung saan ay ilang taong nagexist sa bansa natin? o sa mga ibang top exchange katulad ng Bybit, Okx, at Bitget na wala namang sinasabi ang SEC na huwag na nating gamitin ang mga ito kundi yung ibang mga ka lokal natin dito na nagsasabi na delikadong gamitin ang mga ito dahil sa iniisip nilang baka gawin din ng SEC ang ginawa nito sa binance sa tatlong ito na nabanggit ko na kung tutuusin ay "AKALA" palang naman nila yun saka meron nabang " AKALA " na tumama? Tapos sasabihin naman ng iba na pilosopo dito na " Pwede naman talaga na gawin ng SEC yung ginawa nito sa Binance sa Bybit, Bitget at Okx, ganyan yung mga birada ng iba dito. Sige ipagpalagay na natin na kaya din naman talaga gawin yun ng SEC, ang tanung alam ba nila kung kelan gagawin yun ng SEC natin na ipablock din yung mga IP ng bybit, bitget at okx? eh pano kung after 1yr or 5 years pa bago gawin yan ng SEC sa tatlong exchange na nabanggit edi nasayang yung 5 years na dapat napakinabangan pa natin sana yung services at features ng mga exchange na ito, diba? sa tingin nio mali ba ako? kayo mag-isip... Sana makita ng iba yung logic na sinasabi ko.