Upon checking ng medal tally ng Paris Olympics 2024, until now, wala pa ring kahit anong medalya ang nakukuha ng Philippines. Nangunguna ang Japan pagdating sa gold medal na may 6, samantalang ang China naman ay may 5 gold. Nakakabilib talaga ang Japan, imagine, ang liit lang naman ng bansa nila pero tingnan mo kung paano nila i-dominate ang Olympics.
Binabudgetan talaga kasi ng Japan, China at ibang mga front runners na madaming medals sa ngayon yung sports at national teams nila.
Kung ang Pilipinas sana ay mag-invest din sa mga facilities para sa mga atletang Pinoy natin, siguro kahit papaano may improvements na mangyayari sa mga atletang Pinoy natin. Hindi katulad neto, lagi tayong kulelat. Last Olympics, kahit papaano may improvements tayo.
Kaya nga, ang daming mahusay sa atin. Una si Wesley So, para sa chess kaso napunta ng US, Si Maxine Esteban na nasa Ivory Coast na. Sayang lang kasi ang daming mga kurakot at ito yung mga nagpapahirap sa bansa natin. Sa bulsa nila napupunta ang bilyong bilyong kaban ng bayan. Madaming mahuhusay sa atin sa iba't ibang sports kaso hindi nabibigyan ng halaga. Muntik pa nga si EJ Obiena na mahugot ng ibang bansa dahil parang pinupulitika pa siya.