- Oo tama ka dyan, siempre kung ako man ay sakaling botante ay mas iboboto ko si Trump kesa din kay Harris, at least hindi man kabuuang 100% na may mangyaring pagbabago sa bitcoin industry o sa ibang mga cryptocurrency ay at least may makita manlang tayo na may gagawin si Trump na pwedeng pakinabangan ng mga crypto community in the long run.
At malamang yan din ang ineexpect nang karamihan na voters nya sa crypto space kung bakit siya iboboto dahil panghahawakan nila yung pangakong binitawan at sinabi ni trump during campaign na kanyang ginawa before.
Ngayun lang ata sa isang US election ay naging mainit ang topic sa Bitcoin, ito ay dahil na rin sa adoption at poularity ng Bitcoin, over the years naging malaki at solid na ang kanilang community, kaya napagtuunan na sila ng mga pulitiko para pag kuhanan ng boto, sana mangyarin rin ito sa bansa natin yung papansinin tayo ng mga pulitiko at mangangampanya para sa boto.
Sa ngayun sa Bitcoin community ay lamang na lamang si Trump pero pero mayroon pang mga malawak na usapin at ang isang presidentiable ay dapat lumamang sa mga ibang usapin, let's see sa mga debate kung sino ang mangingibabaw.