Ang party-list ay binoboto ng taong bayan para makakuha ng mga upuan sa kongreso.
Kahit na may kumandidato dala ang party-list na may temang 'cryptocurrency,' malabo pa rin itong manalo kasi hindi pa masyadong kilala ang crypto sa karamihan. Ang majority ng mga botante ay mahihirap, at mas pipiliin nila ang party-list na nakakatulong sa kanilang kalagayan.
Hindi rin kasi para sa lahat ang crypto, lalo na para sa karamihan ng mga Pilipino, kaya mababa ang interes dito.
Oo, gusto natin ng malawakang adoption, pero dapat sa tamang market o mga taong talagang gumagamit nito.
I beg to disagreed sa sinasabi mo na ito dude, kung ang basis mo lang ay dahil hindi pa ito kilala ng karamihan, ay sa tingin ko hindi ito sapat. Dahil sa kapanahunan natin ngayon, meron tayong lumalagong technology na kung saan itype lang nila ay madali nilang mapamilyar ang kanilang sarii sa bitcoin o cryptocurrency. Ngayon, pa nga lang kahit sabihin na nating karamihan sa kanila ay hindi pa pamilyar sa bitcoin o cryptocurrency ay for sure na naririnig na nila ang bitcoin. Sa paanong paraan? sa pamamagitan ng mainstream media kahit na hindi naman 100% yung sinasabi nila ay hindi totoo, andyan din yung youtube, Facebook at telegram.
Saka pano mo nasabi na hindi mananalo? wala pa ngang sumusubok, sa tingin mo ba kokonti palang ang mga community sa bansa natin ang naniniwala o involve sa crypto o bitcoin industry? Wala pa ngang sumusubok binibigyan mo na agad ng resulta. Pano mo nakita ang resulta kung wala pa ngang sumusubok at gumagawa? Saka parang sinasabi mo na walang susuporta na mga crypto enthusiast sa bansang pilipinas kapag may nagtangkang tumakbo na crypto party list. Ikaw na nga may sabi gawin lang ng malawakang adoption, bakit kung may mag-aaply ba ng cryptocurrency party-list hindi ba ito kasama sa malawakang adoption ng crypto space?