- Magandang araw mga kababayan, nais kong ibahagi sa inyo ang aking experience sa isang long call mula sa RCBC representative (DAW) for my credit card.
Alam nila ang aing Full name, address, number , Email and even birthdate. worst! Alam nila ang aking 16 digits credit card number.
Alam din nila ang aking credit card limit. Sa aming pag uusap wala kang magiging pagdududa na ito ay peke lamang.
Tinanong na rin nila kung ano ano ang mga nakuha kong regalo nung natanggap ko ang aking card. dapat daw mayroon akong Tumbler, payong at kung ano-ano pa.
Inalok nya rin ako sa Huli kong purchase if gusto ko bang iinstallement dahil free daw ito sa pagprocess for 6-12 months.
Tinanong din ako if gusto ko ba na iconvert yung laman ng card ko into loan up-to 5 years or 60 months.
Everything was a smooth call when we reached this stage.
Hindi ako pumayag sa ano mang loan offer or balance conversion nila.
Tapos sinabi nya na iprocess daw nya ang aking credit limit approval para maging doble ito.
This is the thing i really want before pa, so sige go ahead sabi ko.
Wala itong bayad at wala naman need ibigay na info para maprocess kundi yung basic lang din na 16 digit card number, name and bday.
Buti nlng at techy ako at madalas sa online world. pinaliwanag na nya yung OTP
na iba iba daw ito ng meaning
One time password - na never daw nya hihingin at wag na wag ko daw ibibgay kahit knino.
One time process - ito daw ay code to process the request. (dito na ako nagduda)
Asked me if naenroll na daw ba yung account ko sa online app which is requierd daw.
sabi ko matagal na po. (kinokontak ko na through messenger yung classmate ko nung HS na may hawak ng account ko or nag -assist sakin sa bank)
she asked me ano username ko, binigay ko pero iniba ko.
tapos sinabihan ko na as pagprocess nya wag ko daw muna iopen yung account ko para di magkaroon ng problem.
(wala naman akong gingawa that time so i have plenty of time, para mas maganda nagbukas narin ako ng computer. nag log in sa online banking ko para ilock mga card ko)
nanghingi ng 2 minutes to processsi ate. sabi ko, sige lang po.
Hindi daw nya mprocess, need nya daw yung One time process , ipapadala daw nya.
------------sa pagrecover ng ng online account pwede na ang card number gamitin para sa forgot password + yung uesrname mo.. (mali naman binigay ko)
may dumating sakin na OTP. pero sabi ko wala pa o natatanggap, (sakto nmana sumagot na classmate ko at mabilisan kong sinabi lahat. ignore daw dahil scam yun an file an email report to help them sa ganung scam)
nagpadala ulit ng OTP sabi ko i will never give my OTP to anyone. sabi nya this is one time process po na ned ko at hindi one time password. pinasa pa ako sa manager daw nya!
at the end napagod din sya sa kakakulit.
PS...
Dumalas yung scam call na nababasa ko na rin sa iba nung nagsimula ang RCBC UNLIPAY sa knilang credit card online app.
Dito kasi pwede mong ipambayad nag credit balance mo sa card papuntang other banks na walang tubo.
Yung credit card mo naging debit card pero utang parin!
Mag-ingat po tayo sa mga ganitong scam. hindi lang po ito sa RCBC marami rin sa ibang banks.If you encounter this ilagay ko dito yung contacts nila para makahingi kayo ng tulong.
https://www.rcbc.com/contact-us
For banking-related concerns, call the RCBC Hotline
+632 8877-7222
For Domestic Toll Free
1-800-10000-7222
For International Toll Free
(International access code)+800-8888-7222
For RCBC Credit Cards
+632 8888-1888
Toll free: 1-800-10-888-1888
email@service.rcbcbankard.com