May mga nahihigpitan din naman sa ibang bansa depende kung saan sila hinihigpitan. Pero karamihan sa kanila na may mga headquarters sa mga bansang maluluwag sa regulations, mas nakakagalaw sila at nakakapagbigay ng serbisyong mas madali at mas kailangan ng mga users nila. I think sa saligang batas din natin ang problema kung bakit ganito yung tungkol sa foreign ownership at noong panahon ata ni Digong parang inallow ang mga foreign investors pero parang hindi ata napapatupad yan sa ngayon, I dunno.
Normal naman ang ganyan since iba-iba regulations per country, the only thing is bakit ayaw nila sa pinas? Remember na isa ang Pinas sa pinaka unang crypto friendly na bansa na nagkaroon ng laws about crypto regulation pero mas tinagkilik ng ibang foreign exchanges to be regulated on other country, kase nga mas friendly at hindi gaanong ka strikto laws nila which is good for both party.
About naman dun sa law na sinabe mo, it's true, yan ay yung Foreign Investments Act (FIA) na amended in 2022 before bumaba si Duterte as president na pwede na magkaroon ng 100% ownership ang mga foreigners dito satin as long na followed ang rules dun, kaya nga nag si pasok ang ibang investments dito satin like Starlink, then yung mga POGO before dahil diyan which caused a lot of mess (yung POGO) dahil hindi sa laws na yan, kundi dahil sa kapabayaan ng authority to check and meddle sa mga offices nila until this past year lang na na-ban na.