Bitcoin Forum
July 27, 2026, 05:55:33 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: 5 paraan para mapalago nio ang pera gamit ang GCASH  (Read 184 times)
gunhell16 (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 2436
Merit: 594


View Profile
February 15, 2025, 03:12:11 PM
Merited by Peanutswar (1)
 #1

Karamihan na mga kababayan natin ang alam nila sa gcash ay tipikal na pagtransfer ng pera sa ibang lugar na may mga gcash din, o di-kaya sa mga may bank account, pambayad sa grocery at billings every month at pagwithdraw ng pera using debit card ng gcash. Pero hindi alam ng nakararami na using gcash ay pwede nilang mapalago ang kanilang pera kahit small amount lang ito sa pamamagitan ng gcash apps. At madaming mga kababayan din natin ang takot na maglagay ng pera using gcash dahil sa dami ng mga scam ngayon.

1. GSAVE - ito ay isa sa mga features ng gcash na kung saan kapag inopen mo ito ay mapupunta ka sa different bank kung saan mo gusto mong maglagay ng pera, tulad ng UNO digital bank, Maybank, CIMB, at BPI.  Maaaccess mo ang mga banks na ito using gcash.



Ibig sabihin hindi lang kayo basta lang naglalagay ng pera sa Gcash kundi pati you are also putting your money in different institution o mga traditional bank. So, depende nalang kung alin sa mga bank na ito ang gusto mong pasukan ng pera. Kaya kung ako ang tatanungin kung gusto mo ng medyo decent na pagpapasukan ng pera ay mas maganda sa UNO at CIMB, sa aking alam ay kapag naka-1year ka ay nagbibigay ito ng promo ng around 6% up to 15% in a year. Saka insured naman ang pera natin dito dahil under ito ng PDIC ng nasa around 500k nga. Kaya sa halip na sa gcash wallet mo lang iniipon yung pera mo ay mas maganda na ilagay mo ito sa features na ito ng Gcash.

2. GFUNDS - Basically ito naman yung may mga profesional fund managers na sila naman yung magmamanage ng pera mo, sila din yung mag-iinvest sa diferrent kind of investment din para sayo. Like sila na yung mag-iinvest sa stocks, Global stocks sa halip na ikaw na ang gagawa ay sila na ang gagawa para sayo.

At kung magpapasok kayo ng funds dito meron akong favorite dito na tulad ng nakikita ninyong larawan sa ibaba na ALFM, dahil in a regular basis nagbibigay sila ng dividend monthly, unlike sa stocks madalas mangyari yung upside down or tamang galaw lang unlike nito mas okay. Pag ano gagawa ako ng separate topic dito sa ALFM kung pano ito gagawin.



3. GSTOCKS - Dito naman you can buy indibidual stocks, kumbaga ikaw mismo ang pipili ng bibilhin mo na stocks, unlike sa Gfunds sila yung magiinvest para sayo. Literally speaking you can invest here sa philippine lokal stock market. Halimbawa gusto mong bumili ng stocks ng Jollibee, SM o BDO nasa iyo na ang desisyon. Kaya lang kung ito yung pipiliin mo dapat meron karing a little bit idea sa financial institution katulad nito sa stock market. Sa regular stock market kasi ay kakailanganin mo ng broker dyan, pero using gcash mas maganda gumawa kana lang ng sarili mong account para ilink nalang nila yung account na gagawin mo dito.

4. GCRYPTO - ito naman yung masasabi ko na may mataas na risk dahil nga alam naman natin na yung volatility ay very risky talaga, pero very potential naman na makapagbigay sa atin ng profit lalo na kung malawak ang kaalaman natin dito kumpara sa mga unang tatlo na nabanggit, yun medyo mataas lang yung fee na mababawas gamit si gcash.

5. GBONDS - ito naman upcoming palang sa gcash in short wala pa sa ngayon, pero maganda din ito at hinihintay ko na maging available dito sa gcash. Bakit? ano ba itong Bonds? Ito katulad ng pautang sa government, or borrowing money from the funds, Kumbaga hihiramin ng gobyerno yung pera natin babayaran tayo ng interest, so para sa akin very safe ito na paglagyan ng pera kung sa akin lang naman ah. Kasi kung gagawin mo ito sa ibang mga pribado ay mahirap itong gawin, pero but in Gcash pinadali na nya.



Disclaimer: Please still DYOR parin sa mga makakabasa nito, hindi ko ito ginawa para sabihin na gawin nio din, kundi nagbahagi lang ako ng karanasan ko tungkol dito gamit ang gcash.
Peanutswar
Legendary
*
Online Online

Activity: 2352
Merit: 2046


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
February 16, 2025, 02:34:34 AM
 #2

Ito din halos ginagamit ko pag gusto ko lang mag at least accumulate ng earnings sa gcash siguro small amount lang din kasi nga sayang naman ung features nilang ganito pag di mo gagamitin isa din itong opportunity para kahit papaano ay kumita ng konti din, halos ginvest pa nga ginagamit ko before that time nung wala pa silang ibang staking eh, now dalawa na sila ni Maya ang ginagamit ko pag may some money akong naka imbak para naman di lang talaga natutulog yung pera tsaka pwede mo pull out any time you want.
kingvirtus09
Full Member
***
Offline

Activity: 994
Merit: 109


Hexydog.com - Multi-Chain Meme Coin


View Profile WWW
February 16, 2025, 08:07:47 AM
 #3

Maraming salamat sa binigay mo na information na ito op, maganda nga na gawin ito actually. Kung nag-iipon nga naman tayo ng pera sa gcash apps natin mas maganda na ilagay na nga lang natin ito sa mga features na nabanggit mo, though sa ngayon ang ginagawa ko palang ay naglalagay ako ng fund sa gsave paunti-unti at malaking bagay na nga sa akin kahit papaano din naman.

Kaya subukan ko din na maglagay ng pera sa Gfund, Gstock, para at least hindi lang ako sa Gsave nakakapaglagay ng pera sa gcash.
Baofeng
Legendary
*
Offline

Activity: 2940
Merit: 1701



View Profile
February 16, 2025, 09:21:10 PM
 #4

Hindi ko na matandaan dyan pero nung gusto ko na ma increased from 100,000 to 500,000 PHP yung monthly incoming ko, nag avail ako ng kahit 100.00 PHP ng isa sa mga GSave banks nila.

Kaya nga sabi ko napakadali na sa Pinoy ang mag invest, hindi katulad dati na natatandaan ko ang tatay ko na titingin pa sa dyaryo para malaman kung anong magandang stocks and bilhin (ewan ko lang kung naabutan nyo pa tong era na to).

Ako naman ang naabutan ko na eh yung early 2000's na kailangan mong mag open pa ng account sa PSE para maka invest lang sa local stocks, ngayon nanjan dahil sa pinadali ng Gcash.

Dagdag ko rin naman, kung "Health" and Other categories, naman ang gusto ko mag invest, meron din sila,

LogitechMouse
Legendary
*
Offline

Activity: 3248
Merit: 1162


Marketing Campaign Manager |Telegram ID- @LT_Mouse


View Profile WWW
February 16, 2025, 11:00:24 PM
 #5

Kaya nga sabi ko napakadali na sa Pinoy ang mag invest, hindi katulad dati na natatandaan ko ang tatay ko na titingin pa sa dyaryo para malaman kung anong magandang stocks and bilhin (ewan ko lang kung naabutan nyo pa tong era na to).
Napakadali na ngang mag invest ngayon salamat sa Gcash.
Noong 2024, mayroong total of 94 million users ang Gcash. Sa 94 million users na yun, 10.9 million lang ang gumagamit ng Gsave at 6.6 million users lamang ang gumagamit ng GInvest.

Mejo mababa ito compared sa dami ng gumagamit ng GCash para sa akin. Siguro karamihan ay alam na itong features ng Gcash pero ang problema ay baka natatakot sila na baka maubos ang pera nila kaya mas pinipili nilang hindi na gamitin or wala silang idea kung paano gamitin ang mga features na ito. Para sa akin, maganda itong mga features ng Gcash pero hindi ko gagamitin ang mga ito dahil may mga alternatives akong alam na pwede kong gamitin para ma-maximize yung mga profits at panigurado, yung iba dito ay hindi rin ito ginagamit.

Still, salamat sa pagshare OP at kahit papaano, nagkaroon ng idea yung mga ibang tao dito sa kung anong pwede nilang gawin sa mga pera nila sa Gcash.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!