Bitcoin Forum
September 19, 2025, 02:22:28 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 29.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: KKB or Kanya-kanyang Bayad SCAM (GCASH)  (Read 141 times)
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1246
Merit: 403



View Profile
February 20, 2025, 04:30:07 PM
 #1

2 Nigerian at 3 Pinoy na scammer na Gcash users ang binibiktima, naaresto

Napakraming scam na ang nagkalat sa bansa natin at mayroong mga taong nagbebenta ng Veerified Gcash account nila para sa maliit na halaga.
Ito naman ang ginagamit pang SCAM ng mga tao para sila ay ligtas sa anumang pagkakakilanlan ng mga mabibiktima nila.

Dito iba naman ang Modus, mas tinatarget nila ang mga wala pang account sa GCASH! oo kabayan, tama ang pagkakabasa mo. Lumalapit sila sa mga tao para gumawa ng gcash skapalit ng Limang-daang piso.
At ito ang ginangamit nilang pang-scam.

Isang kabayan natin ang nabiktima sa gcash gamit ang KKB scam.


may naluluna naman sa malakaing halaga na pwedeng makuha pero need nya muna magpadala ng pera. at dahil sa mgandang pangako at malaking halaga,
nabulag na naman ang isang Pinoy sa kanyang makukuhang pera.
Pero, pagkasend nya ng 6000 pesos, naglaho ang KKB account na kanyang inaasahan.

Quote
yon kay Cruz, sinabi ng scammer na ipadadala ang pera KKB. Nang kaniyang alamin kung naipadala na ang bayad, nakatanggap naman siya ng text na umano'y galing sa Gcash na nagsasabing kailangan niya munang magpadala ng pera sa KKB para matanggap bayad.

Nang gawin niya ang bilin, nawala na umano ang KKB account ng scammer.

"'Yong lesson na lang po siguro is na anything na magko-collect sa'yo ng pera para ma-receive 'yong payment, red flag na po 'yon," ani Cruz.

Nagpaalala ang NBI na maraming taktika ngayon ang mga scammer online kaya dapat maging alerto ang publiko.


May mga nag-aalok pa umano ng pera para magamit ang Gcash account sa ilegal na gawain. Babala ng NBI, maaaring makasama sa kaso ang magpapagamit ng kanilang account.

"Sabi [may magpapakilala], tiga-GCash kami, mag-open kayo ng account and in return, bibigyan namin kayo ng P500... Ikaw ang sasalo noong fraudulent transaction kasi ikaw ang nakapangalan doon sa GCash," babala ni NBI Cybercrime Division head Vic Lorenzo.

Paalala pa ni Lorenzo, huwag ibibigay sa iba ang pin at one-time password ng account.

source: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/819689/2-nigerian-at-3-pinoy-na-scammer-na-gcash-users-ang-binibiktima-naaresto/story/

Ibat ibang SCAM, hindi napuputol ang talino ng tao kumita lang ng pera kahit makapanloko.
benalexis12
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1008
Merit: 117


Buzz App - Spin wheel, farm rewards


View Profile WWW
February 20, 2025, 04:48:43 PM
 #2

Matagal na yan, nabiktima nga ako nyan before dahil hindi ko pa alam na kung saan ay yung 1800 kapag pinadala sa number na ibibigay ay ibabalik din agad pagkasend mo sa number na padadalhan mo at ibabalik sayo ng 3500 pesos eh siyempre nung mga oras na yun dahil kampante ako at nasa loob ng features ni Gcash pinadala ko pero kinabahan ako nun nung pagkasend ko, dun ko naisip na alamin ang kkb sa youtube at natuklasan ko at nalaman ko na scam pala, huli na ng nalaman ko.

charge experienced nalang ang naisip ko, sabi ko naisahan ako ng scammer, kaya after nun basta yung ganung mga istilo ay hindi na ako maniwala pang talaga. Sa mga walang alam at hindi aware posibleng mahulog at mabiktima parin sila nyan.
crwth
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3262
Merit: 1330



View Profile WWW
February 20, 2025, 05:26:38 PM
 #3

Madalas magaling talaga ang mga pinoy sa mga kalokohan o mga maparaan na pag gawa ng hindi kanais nais na bagay katulad nyang pinakita mo OP. Sa tingin ko talaga maraming papatos sa ganyan sa maliit na halaga pero hindi ko alam bakit naman sila papayag na gamitin ang numero nila para lang sa P500.

Pero marerealize mo, na meron nga binebenta ang Pinas dahil sa boto Cry sa panandalian na ginhawa kaysa sa isipin ang kinabukasan.

Ingat tayo mga kabayan sa mga scam. Salamat sa pag balita nito OP.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!