Ngayong may trabaho na ako at kumikita ng maayos ay kaya ko ng magbayad ng mga premium services para sa mas better feature ng app pero aaminin ko na isa dn ako dati sa mga gumagamit ng mga mod or cracked version para makatipid dahil wala akong pera dati para sa pangbayad ng premium account.
Sa tingin ko ay madami pa dn talaga mabibiktima nito dahil madami ang hindi afford while sobrang dali magdownload ng crack version kaya maganda talaga itong ginagawang remider thread ng mga kabayan natin para makapag isip tayo kung worth it talaga magtipid or magtiis nalng sa normal account with limited features.
Ganyan dapat ang mindset kabayan since kumikita naman tayo dapat na talaga sa premium services na ang hanap natin lalo na at nasa mundo tayo ng crypto.
Mahirap na ma kompromiso dahil baka mas malaki pa ang damage na matatanggap natin kaysa sa kung nagbayad tayo ng premiums sa tunay na app. Guilty din ako sa mga ganito dahil crack versions din talaga ang hanap ko dati dahil walang budget para dito. Pero ngayon na sobrang ingat ko since nag hold ako ng Bitcoins tsaka some alts sa computer ko ay mas pinipili kunang magbayad para safe at iniiwasan ko na rin mag download ng mga unknown apps tsaka mag click ng links para maka iwas sa kapamahakan. Ayaw ko magsisi kaya ok na magbayad kaysa mag sisi sa huli at nawala na yung pinag hirapan kong ipunin.
Hindi na nakakapang hinayang gumastos ngayong may pinoprotektahan na tayong asset hindi kagaya dati na kahit ma hack ay okay lang dahil wala nmn mawawala sa wallet ko. LOL
May mga premium subscription din kasi talaga na sobrang mahal dahil alam ng developer na maraming gumagamit ng app nila kaya yung iba talaga ay kapit sa patalim.
Hindi pa naman ako nahahack sa mga crack apps ko dati pero matagalan ko na tinigilan simula ng maging open minded ako dito sa forum.
Pero kahit papano naman maingat padin ako since ayaw ko din ma kompromiso yung facebook ka dati since yung lang ang importanteng account na naka lagay sa computer ko pero bukod non wala na din. Kaya may pa ilan ilang sundot sa paghahanap ng mga cracked apps para maka budget.
Yun nga mahal kasi ang payments ng mga apps at dati kahit na $20 na fees ay parang di ko kayang bitawan.
Pero ngayon di nako nag iisip kung mahal ba yan o fair price lang since ang nasa isip ko or priority is safety talaga since baka mas talo pa tayo ng malala kung ma hack tayo.
Dati din naman kasi hindi malala ang mga crack apps since matino tino pa ang mga tao nun. Pero ngayon na uso na ang crypto an daming buang na sumakay at ginamit ito para makapang hack lang.