Bitcoin Forum
October 31, 2025, 05:18:33 AM *
News: Pumpkin carving contest
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Talksearch.io - Advanced Bitcointalk Search Engine  (Read 244 times)
Danica22 (OP)
Full Member
***
Online Online

Activity: 588
Merit: 127


Free Crypto in Stake.com Telegram t.me/StakeCasino


View Profile
April 20, 2025, 08:42:33 PM
Last edit: August 24, 2025, 05:26:35 PM by Danica22
Merited by NotATether (10), mindrust (3), Porfirii (1), Peanutswar (1)
 #1

Akda ni: NotATether
Orihinal na paksa: Talksearch.io - Advanced Bitcointalk Search Engine






Talksearch.io

Matagal ko nang pinapangarap na gumawa ng isang search engine na may mataas na kalidad para sa Bitcointalk. Matapos ang ilang buwang pagbubuo nito, ipinagmamalaki kong i-anunsyo na ang Talksearch ay maaari nang magamit. Ito ay isang mahalagang pangyayari patungo sa pagbibigay ng mataas na kalidad na paraan ng pagsasaliksik para sa mga gumagamit nito.

Ang Talksearch ay isang simpleng paraan ng pagsasaliksik na kung saan ay hahayaan ka nito na mabilisang makahanap at makapunta sa kahit anong post sa Bitcointalk.

 Mga Katangian ____________________

- Nasa aktuwal na oras ang pag-index ng LAHAT ng mga post (sa kasalukuyan ay may ilang oras na pagkaantala bago maisama sa index)
  • Ang mga binurang post at nakatagong post sa Investigations ay hindi dapat maisama sa pag-index. Kung makakakita kayo ng ganito, mangyaring iulat ito sa akin kasama ang ID ng post at ID ng paksa.
- Mayroong mahusay na pag ganap sa nakabuilt-in na pananaliksik sa Bitcointalk.
- Ito ay tumtugma sa mga TOR na kung saan ay wala itong limitasyon sa mga rate at captcha.
- Mayroon itong detalyadong post metadata tulad ng user, petsa, at pamagat ng paksa.
- Tinatanggal nito ang mga resulta na maaaring spam sa pamamagitan ng pangunahing paghihigpit sa mahahabang salita.

At mas magkakaroon pa ito ng mas tamang resulta.

 Imprastraktura ____________________

Ang website ng Talksearch ay naka-host sa Google App Engine, ngunit ang mismong search engine ay naka-host sa isang DDoS-protected na server sa Dartnode. Ang IP address nito ay nakatago sa publiko dahil lahat ng request ay dumaraan muna sa mga Cloud Run Functions. May kapasidad itong mag-host ng hanggang 380GB ng mga post, kasama na ang AI embeddings. May access ang Talksearch sa 32GB na memory at isang makapangyarihang dual-socket Xeon processor na may 48 threads para sa natural language search. Mayroon ding mga off-site backup bilang paghahanda kung sakaling magkaroon ng sakuna. Siyempre, hindi mura ang lahat ng ito, umaabot sa humigit-kumulang $170/buwan ang kabuuang gastos para mapanatili ito.

 Ang Roadmap ____________________

- Pagpapahusay ng kalidad ng resulta ng paghahanap. Kasalukuyang isinasagawa
- Paglikha ng end-user API (sisumulan sa lalong madaling panahon)


Sa ngayon, hindi pa awtomatikong nag-a-update ang mga post. Pinagtatrabahuhan ko pa ito.

Patuloy kong io-optimize ang kalidad ng mga resulta sa index upang makamit ang pinakamahusay na posibleng kinalabasan. Sa ngayon, maaaring kailanganin ninyong gumamit ng higit sa isang salita upang masala ang mga kaugnay na post

 Mag-Donate ____________________

Kung nais ninyong suportahan ang pagpapanatili at hinaharap na pag-unlad ng Talksearch, maaari kayong magpadala ng pondo sa mga sumusunod na address:

Bitcoin: bc1q6dphprljdas0xl2cmqn6tlskselx5xtcpcw8kx
Ethereum and ERC-20 tokens: 0xd3CaaE5098b8Bef64A6FD415b0b1B61aE880FFF5
Tron and USDT-TRC20: TGrsWW6knTwcJxkUKvp7SoV5Fjub9KMAeb

Ang lahat ng donasyon ay gagamitin lamang upang bayaran ang gastos sa hosting.

 Mga pagsasalin ____________________

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!