Magandang araw sa inyo dito, ngayon ay pag-usapan natin ang new rules na inilabas ng Sec kamakailan lang na nakatuon ito sa mga crypto content, tiktok, facebook o youtube, at kahit nga simple group chat sa telegram ay kailangan na ngayong mag-ingat. Ang tanung BAKIT? ang sagot ay dahil sa SEC CASP rules.
Kung dati may mga bagay na okay lang na gawin natin, pero ngayon ay hindi na dahil pwede na tayong magkaroon ng kaso, pagkabilanggo o multa. But it doesn't mean ay katpusan na ng crypto content, siyempre hindi yun ganun, as long as in accordance parin sa rules ay okay lang. At ito yung bagay na aalamin natin kung alin yung mga bagay na hindi na dapat pang gawin.
Ano nga ba ang CASP(Crypto Asset Service Provider)o bagong batas sa SEC? Ito ay mga company o tao na nag-ooperate o nagoofer ng mga cryptocurrency services kasama na dito ang Exchange, ICO, Nft market , Staking platform, o mga influencers na nageendorso ng crypto. Isipin nyop tumaas ang crypto adoption sa bansa natin simula ng 2023 up to 2024 ng nasa 40bilyons, so kaya ginawa ito ay para mabigyan ng proteksyon ang mga pinoy mula sa hanay ng mga rules na ito.
Mga bagay na hindi dapat pang gawin sa pag-implement ng Sec rules na ito ay ang mga sumusunod:
1. Pinagbabawal na ang pagpromote ng mga crypto products except kung meron itong SEC o VSAP license.
2. Bawal narin ang mag-invite sa crypto staking
3. Hindi narin pwede ang maghikayat na bumili ng Nft o anumang Cryptocurrency na merong return.
4. Kahit yung simpleng pagcomment lang sa Facebook o Youtube na merong link referral ay bawal narin.
5. Paghikayat na magsign-up sa exchange na may kasamang referral link o mag-earn ng commission ay bawal na ito.
6. Bawal narin magpromote ng any ico o pre-sales sa anumang social media apps.
7. Bawal kana rin magbigay ng review na may kasamang positive na opinyon, dapat magreview ka lang ng walang bias. Kaya ang payo ko huwag kana lang magreview ng token o coin sa isang content na gagawin mo.
8. Hindi rin pinahihintulot ang airdrops kung merong kapalit.
9. Bawal narin yung tag this to 2 or 3 of your friends para maqualify sa airdrops ay violation narin ito sa Casp.
10. Bawal narin yung magpafill-up ng form sa inyo dun sa discord, telegram at iba dahil violation parin ito ng data privacy.
So para maging compliant tayo sa batas ay dapat walang link sa descriptions. Pero kung yung website lang ng exchange ay pwede naman basta walang link of referral na hindi papasok na meron kang commission o magsign-up sa link mo. Sa madaling magagawa mo lang na magshare ng mga referral link kung registered ka sa SEC. Pero madugo ito dahil allowed lang ito sa mga exchange owner.
Dahil kung mahulihan ka ng link sa video na ginawa mo sa any apps like youtube, facebook, at iba pa ay multa ka agad yan ng 50K pesos, at kung makita yan araw-araw sa youtube mo or any apps araw-araw ay 10k multa sa bawat araw. Kahit retroactive na yung content video o 2016 mo pa inuplod at hindi mo pa naalis yung link referral mo sa description ay multa kapa rin. Lalo pa't kung makita nilang kumita ka ng 100k sa referral commission mo ay x3 ang multa nun plus fine pa.
Clarification: para lamang ito sa mga content creators o inlfuencers, dahil kung ikaw ay isang crypto enthusiast lang naman na lalahok sa airdrops indibidually ay okay lang basta sundin lang din yung mga nabanggit na ibang rules sa SEC.