Let's start with the question na
MAY IPON KANA BA? San ito dapat ilagay? huwag sa banko. Ito yung nais ko na pag-usapan natin dito, alam ko naman na ang karamihan dito sa atin ay mayroong naitabing pera dyan. At naghahanap tayo o yung iba dito ng paglalagyan ng ating iniipon, yun nga lang ayaw natin sa banko, sapagkat alam nating lahat na maliit lang ang tubo dito. In short, maliit ang growth o percentage when it comes sa magiging tubo nito sa banko.
But of course, bago tayo magsimula,
ANO NGA BA ANG IPON o PAG-IIPON? in my definition, ito ay yung tinatawag na volume ng pera na naitabi natin na hindi na gagamitin, ito yung ipon. Pero yung ipon na gagamitin natin sa business, ipon sa pag-papaaral para sa ating mga anak, o pangparenovate ng bahay nio ay hindi ipon ang tawag dito. Dahil ang totoong IPON ay yung pera na hindi muna gagamitin at wala kana talagang paggagamitan. At kapag ganito yung pera ay hindi talaga sa banko nilalagay ito. At isa lang ang dapat na pagkalagyan nito at ito ay walang iba kundi ang Real estate/Land
LUPA O PROPERTY, Pano ko ito nasabi? dahil tanging lupa lang ang masasabi ko na the best na ipunan ng pera, kahit hindi ka marunong magnegosyo. HIndi nga lang ito mabilis pero sumasabay naman sa pagbaba ng currency o inflation. Kaya kung may volume kana na pera ay lupa ang bilhin mo. Pero hindi dapat pagkakitaan, hindi pangkuha ng gastos para may pangkain ka araw-araw. Sa halip bibili ka ng lupa bilang pamalit banko lang yan. Kaya nga tinatawag ito sa ibang term na "Landbanking" Imbes na sa banko natin ilagay ang pera natin na talaga namang pagkaliit-liit ng porsyento ay maganda talaga na bumili ka ng lupa o property. Pero dapat cash mo bibilhin dahil kung hindi mo kaya ng cash ay lugi ka o talo dahil pagkataas-taas ng interest.
Kaya uulitin ko kung mag-iipon kayo ng pera gawin nio na tambakan lang ng pera ang Property o lupa dahil ito ang pinakasafe sa lahat, secure at sumasabay sa inflation. Dahil hindi madedevalue ang pera mo, lalo na kung tatamaan yung lupa mo para pagtayuan ng mall o subd na for sure tataas bigla yung value nyan.
STOCKMARKET, Para sa akin ulit ito ay hindi para magtrade from time to time. Dahil pang-long-term investment ito, long-game o years, At kung ang sinuman na susubok na pumasok dito ay dun na kayo sa index fund na. Ito yung sumasabay nalang talaga sa value ng pera. Yung mabilisang tumutubo din ang pera natin at sigurado ding tumataas, at dito natin magagamit ang power ng Compounding interest na tinatawag. Dahil kung magtutuloy-tuloy tayo na magpapasok ng pera dito ay through the years ay magkocompound talaga yung pera natin.
Tandaan lamang natin hindi tayo sa mga companies maglalagay ng pera kundi sa INDEX FUND.
COMMODITIES (Ginto, Silver, o Currencies na matatatag na mga bansa), Gawin natin ang mga ito hindi para magtrade na sinasabing buy low sell high hindi po ganun ah. Ibang klaseng uri ng kabuhayan kasi yung ganitong sistema ng trading. May binabagayan kasi ang ganitong klase ng risk apetite. So ang mga nirerekomenda kung pwede nio na paglagyan ng pera ay mga safe na investment batay lamang sa aking nalalaman at nararanasan o mararanasan pa sa hinaharap kung pera din lang naman ang nais nating pagtrabahuhin.
BITCOIN, dito naman walang tatalo talaga sa pag-invest sa digital currency na ito at alam na alam nating lahat yan dito. Uulitin ko, mag-ipon lang hindi para itrade ang Bitcoin. Bumili lang tayo ng bumili anuman ang presyo nyan just do dca most of the time. Darating kasi ang panahon na kapag namina na lahat ng bitcoin, magiging scarse na yang bitcoin. Kaya tataas na talaga ang value nito.
Isipin lamang natin na 21milyon lang ang total supply ng bitcoin at meron tayong total na 8.5bilyon na bilang ng tao sa buong mundo. So, hindi lahat magkakaroon ng pagkakataon na may hawak silang Bitcoin. ang tanung papayag kaba na wala kang mahahawakan na bitcoin? Furthermore, ang bitcoin din ang magigign standard ng lahat ng cryptocurrency, kaya kung sa safe tayo sa cryptocurrency sa bitcoin tayo mag-ipon at iprioritize natin ito.
Basta invest lang tayo ng invest hangga't meron tayong pambili, hindi yung bibili tayo ng low tapos ibebenta ng high. Kasi kumita man tayo sa ganitong sistema kung mahina naman ang disiplina natin ay surely masusunugan tayo dito. Dahil mapupunta tayo sa estate na magiging greedy na tayo. Tandaan lamang natin walang nananalo sa trading lalo na kung marupok ang ating damdamin.
Meaning hindi madaling makipag-sabayan sa trading market dito sa crypto industry at ito yung dapat tandaan ng karamihan sa atin dito. Akala kasi ng iba madali ito, pwes hindi totoo yun, mark my word. Kung kaya mo talaga na makipagsabayan ay walang problema at congratulations kung magagawa mo yun, pero kung sasabay ka lang crowd ay for sure 100% maliliquidate ka lang palagi.
What is SAVINGS?Benefits that we can get from buying Land and Property?What is Stockmarket? What is INDEX FUND?What is COMMODITY?What is BITCOIN and How does it work?