Magandang desisyon mula sa PAGCOR, pero kung hindi dahil sa dami ng reklamo ng mga tao, malamang hindi rin nila papansinin 'yan.
Makikita mo talaga na itong PAGCOR, parang chill lang sa trabaho nila, kahit noong panahon ng POGO, hugas-kamay lang sila. Ang palusot pa, limitado lang daw ang regulatory function nila.
Ganyan lang gagawin nila, kung walang nag call out ng atensyon nila, tahimik lang yang mga yan.
Now next yung mga illegal na online platforms dapat at mga illegal na nag popromote ng mga website platforms sa social media lalo na sa facebook, napakadami nito lalo na sa mga madadaming followers, talamak na nag popromote.
Parang binigyan ata ng palugit hangga July 20 yung mga content creators na nagpromote ng sugal. Kaya yung mga kilalang promoters ng mga links nila ay busy burahin yung mga videos na merong promotion ng sponsor nila na casino. Sobrang daming sa FB at tingin ko nga baka yan ang pinaka malaking contributor kung bakit mas dumami ang mga adik sa pagsusugal.