Recently posted to ng Mayor namin at hinihikayat yung mga taong gustong maging advance ang kanilang skills sa Web3 & Blockchain at ipa bang tech related courses.

May nakita ba kaying ganito sa lugar nyo? Maganda tong program nila dahil yung mga taong papalaring mapili ay tiyak magiging bihasa sa Blockchain technology at iba pang useful na bagay na tiyak magbibigay ng magandang opportunidad sa kanila.
Kayo gusto nyo bang mag avail sa mga courses na to? Malay nyo dito magbago ng tuluyan ang buhay nyo. Yang mga courses na yan ang in demand ngayon at for sure magtatagal yan.
So far isa to sa mga magandang programa na ginawa ng gobyerno natin ngayon. At baka dahil dito magkaroon ng magandang exposure ang Bitcoin at iba pang cryptocurrency sa bayan natin.
Ahead ka sa akin ng 1 year dito sa forum na ito dude, sa tingin mo ba kakailanganin mo pa ba yan o tayo na matatagal na dito, at kumikita na dito sa blockchain technology o bitcoin industry? Siguro sa mga baguhan na mapapadpad dito sa field ng blockchain pwede sa kanila yan, nagawa nga nating aralin ang blockchain na walang ganyan eh, kung meron man na ganyang kurso tungkol sa blockchain technology bahala na yung ibang tao kung magkainteres man sila o hindi.
Although maganda yan talaga sa mga kabataan na mapapasok sa industry na ito dahil for sure magiging magaling pa sila sa atin dito in the near future panigurado yan. Kaya lang wala naman yan dito sa lugar namin. Parang ako lang ata dito sa lugar namin na lungsod ang kabilang sa crypto space na matagal na.
Eventhough my long experience tayo sa industry nato kailangan parin natin mag upgrade dahil yung mga nalalaman natin ay temporary parin kahit na matagal na tayo na kumikita dito.
Need natin mag upgrade ng skills para mag level up at for sure makakatulong ito sa kahit na sino man kung passion nila talaga ang matuto ng mas malalim pa tungkol sa Blockchain at iba pang bagay na makaka benipisyo tayo in long run. Nagiging tight na ang competition at nag evolve na ang Bitcoin,crypto at blockchain kaya mas mainam kung mag adopt tayo.
Pero nasa sa tao lang din talaga yun kung gusto nila mag stick sa kung ano lang ang alam nila o di kaya mag improve pang lalo at gawing career ito.
Recently posted to ng Mayor namin at hinihikayat yung mga taong gustong maging advance ang kanilang skills sa Web3 & Blockchain at ipa bang tech related courses.
Siguro updated mayor nyo fintech or may good advisor sya para magbukas ng ganitong program since karamihan ng mga mayor na nakaupo ay old school type yung tipong mga makalumang sistema lang ang inaapply sa mga nasasakupan nila para sa mga programang bayan.
Sadly walang ganito sa bayan namin dahil busy mayor namin sa mga over budget project kagaya ng mga kalsada na ayos pa at building na sobrang mahal tapos hindi naman nagagamit.
Pinaka close lang yata na recent program dito ay yung tax mapping.

Anyway goods yan OP dahil siguradong madaming sasali jan dahil endorse mismo ng mayor nya. Nakaka inggit.
Di ko lang din sure pero maganda to na recognize nya yung mga courses na yan at binigyang pansin yung mga taong gustong mag trabaho sa mga fields na yan. For sure napaka helpful nito lalo na lumalago na ang teknolohiyang nabanggit sa bansa natin.
Yun lang ang pangit pag di talaga active yung officials nyo sa pag bibigay opportunity sa mga constituent nila dahil ganyan talaga ang mangyayari.
Dami nga ang sumali at parang super kunti ang tyansa na mapili pero susubukan parin at baka palarin.
So far isa to sa mga magandang programa na ginawa ng gobyerno natin ngayon. At baka dahil dito magkaroon ng magandang exposure ang Bitcoin at iba pang cryptocurrency sa bayan natin.
Sana ganyan ang mga ilunsad ng gobeyrno na hakbang sa Pilipinas more on development hindi puro tungkol sa pagblock sa mga crypto related stuff katulad ng mga cex. Imbis na tumulong sila sa mga tao mapaunlad ang kabuhayan at ang sarili sila pa itong nangigipit eh.
More exposure of bitcoin and other blockchain related more adoption and more users na matututo.
Program din naman to ng DICT at baka mag roll out din to sa ibang lugar. Kaya hintay nalang siguro kayo sa update ng inyong mayor or local officials at baka mag post din sila ng ganto.