I fully believe na may mga milyonaryong nag iinvest sa cryptocurrencies but they're not vocal about it.
Alam naman natin when it comes sa execution ng tax laws sa earnings natin sa cryptocurrencies. Even if alam natin strict ang BIR dito, most likely ang nangyayari is they often ignore ang aspect na ito, which makes it more advantageous to everyone who invests in crypto. Now imagine mga milyonaryo dito sa Pilipinas, hindi lang 1 BTC meron sila but for sure more than 10+. If they are vocal about their investments, most likely mahahabol sila dito ng BIR for their tax.
Di natin talaga alam hangga’t hindi sila mismo ang nagsasabi. Usually, kapag mayayaman na talaga, gaya ng nabanggit mo na bilyonaryo, madalas ang investment nila napupunta sa mga subok na negosyo kasi may capital na sila. Ang Bitcoin naman noong early stage pa, considered siya na high-risk asset, kaya hindi rin natin masabi kung pumasok ba sila o hindi.
Given na matagal na din ang BTC and madami nang yumaman dito, I do think na meron silang BTC na nakatago but very discreet lang sila to avoid getting unwanted attention. As much as na gusto natin lumaganap BTC dito by their respective endorsements, mag bbackfire ito ng malala sa kanila in the event they make it known to the public.