Di ba nila gets na mas matagal na ang stock market trading kesa crypto trading. Ibig sabihin "mas" madami may alam about it compare sa crypto, pero bakit parang sinasabi na mas madaming nag ti-trade sa crypto compare sa stocks.
Well, ikaw ba naman, walang trading/market pag friday afternoon na to weekends or pag holiday. Parang government employees lang lol. Sino ba magkakagusto niyan. Mas maganda lang mag take ng stocks dun sa may mga dividends, hold lang, at sa mga bagong usbong (IPO) to observe then sell na din agad. Pero madam ding mala shitcoin sa stocks, yung matagal na diyan na parang wala man lang changes mas mabuting idelist na nila yan lol.
Yan nga din yung hindi ko maintindihan sa nagsalita na yan, ilang dekada na ang stockmarket, nung mga dekadang lumipas ba na yun madami bang mga community ang nagiinvest sa stocks? diba ang tanging nag-iinest lang naman dito ay yung mga taong mayayaman ay mga nasa middle class?
Natatang*han talaga ako sa logic na sinabi nyang ito, samantalang mas madami pa nga ang natutulungan ang crypto trading sa mga ordinaryong mga community o kahit yung mga mahihirap ay capable na silang makapagtrade dahil sa cryptocurrency sa budget na meron at kaya nila, sa stocks ba pwede kang makapag-invest ng mura before? ngayon lang naman nagkaroon na kahit small capital like 500 ay pwede ka ng makabili sa stocks simula ng magrise ang crypto trading industry. Edi gawin din nilang 24/7 ang stockmarket, diba? kaya lang hindi nila ito magagawa yun ang totoo.