Pamilyar ba kayo sa bill na ito? Ito lang naman ang panukala na, kapag naaprubahan, posibleng bumuwag sa monopoly ng mga telco.
Kapag naisabatas ito, ganito ang mangyayari:
Bababa ang presyo ng internet dahil mas marami nang players.
Kapag maraming kompetisyon, natural na bibilis din ang internet.
Sa ngayon, malalaking telco lang ang nangingibabaw gaya ng Globe, Converge, at PLDT. Pero kapag naipasa na ito, dadami na pati foreign investors puwedeng pumasok. Ang maganda pa, kahit walang foreign investors, protektado na rin ang maliliit na players dahil sa batas na ito. Mas pinapaboran ang maliliit dahil hindi na kakailanganin ng franchise para makapag-operate tulad ng telco. May kaibahan lang: ang small players internet lang ang puwede nilang ibenta, wala silang calls, yun ay sa telecom lang. Pero kahit ganun, malaki pa rin ang pakinabang kasi pati mga liblib na lugar maseserbisyuhan.
Kung pamilyar kayo sa piso wifi, sila yung mga small players na kahit bundok pinapasok, meron na ring fiber sa mga probinsya. Kaso karamihan unlicensed pa. Kapag naisabatas ito, hindi na sila kakabahan kasi mas magiging madali na lang kumuha ng permits at license.
Ang kinakatakutan naman ng malalaking telco, sabi nila okay lang daw ang kompetisyon, pero ang concern nila ay national security. Ang dahilan nila, baka kapag nakapasok ang mga foreign players, puwedeng gamitin para mag-spy sa atin. Sa tingin niyo ba tama ang punto nila, o ayaw lang talaga nilang maipasa ang batas?
By the way, kung hindi pipirmahan ni BBM ang panukala bago mag–August 24, awtomatiko itong magiging batas. Hanggang ngayon hindi pa napipirmahan kaya medyo nakaka-thrill pa. Dalawang araw na lang ang hihintayin. Personally, umaasa ako na hindi na nila gagalawin para tuluyan na itong maging batas.
Ito yung tinatawag na Konektadong Pinoy.
https://web.senate.gov.ph/lisdata/4436242009%21.pdf