Russlenat (OP)
Legendary
Offline
Activity: 3276
Merit: 1047
Want to run a signature campaign? msg Little Mouse
|
 |
August 20, 2025, 11:35:59 PM |
|
Na-update ba kayo sa balita tungkol dito? Ang laki pala ng budget, mahigit P500 bilyon pero lumalabas na halos 20% lang ang napupunta sa aktwal na proyekto. Yung natitirang 80% daw ay napupunta sa mga buwaya, mga taga-DPWH, congressmen, at iba pang ahensya na kasangkot sa parang sindikatong maayos ang pagkaka-organisa. Mainit ang issue ngayon lalo na’t si Marcoleta ang namumuno sa Blue Ribbon Committee sa Senado na nangunguna sa imbestigasyon. Sa tingin ko, kung maraming makukulong dito, magiging malaking deterrent laban sa korapsyon. Ang laki kasi ng budget na nakalaan para sa mga infrastructure, pero dahil 20% lang ang totoong napupunta, nagiging substandard ang mga proyekto, at minsan ghost project pa talaga. 2nd day na tayo sa hearing Philippines LIVE: Blue Ribbon Committee Probes on Alleged Corruption in Flood Control Projects
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary
Offline
Activity: 2030
Merit: 1682
Daily Cashbacks 🐳
|
 |
August 24, 2025, 05:15:24 AM |
|
Medyo mainit nga yung usaping ito di ko nga alam na malaki pala talaga ang nilikom na pondo para dito sa flood control tapos imagine grabe pa din yung baha ngayon sa ibat ibang lugar tipong konting ulan lang eh talaga naman sobra ang baha tulad ng mga nakaraang araw tipong lubog agad yung mga lugar na dati di naman bumabaha tapos yung mga pag gawa ng mga kalsada pa sinasabay sa mga araw na rush hour unlike sa bansa ng Japan sinasaglit lang nila yung mga gawang ganyan.
|
|
|
|
Mr. Magkaisa
|
 |
August 24, 2025, 07:30:22 AM |
|
Maraming hugas kamay ang mangyayare dito, yung mga mainit sa 100+ million confi fund ni VP tahimik now sa Billions scam sa mga kapawa CONGstruction firm nila 2 pangalang ang putok na putok na sobrrang lala ng ninkaw sa gobyerno, hindi lang mga abandonadong ang iba kundi wala talagang ginawa, Isa sa mga naiipit ngayon na dapat suporetahan ay si Mayor VIco na nagsiwalat at matapang na sumagot sino ang nga contractor na ito.
|
|
|
|
julerz12
Legendary
Offline
Activity: 2800
Merit: 1228
Telegram: @julerz12
|
 |
August 30, 2025, 02:48:37 PM |
|
Mahaba-habang imbestigasyon pa mangyayari dyan sa Flood control project issues; ending nyan baka iilan 'lang din makakasuhan and mostly 'yung mga nasa baba 'lang ng foodchain. 'Yung mga pasimuno baka mauna pang umalis ng bansa and we will never hear from them ever again, they'll be sipping margarita in a private beach in the other side of the globe while tayo dito nagtitiis sa kaliwa't kanang baha. In certain countries, death penalty parusa 'dyan sa mga corrupt and I think meron din bill na isinusulong ngayon that's similar to it? Not sure 'lang if maipapasa 'yan. If magiging aktwal na batas na 'yan, kabahan na talaga mga kurakot and future mangungurakot. 
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary
Offline
Activity: 2030
Merit: 1682
Daily Cashbacks 🐳
|
 |
August 31, 2025, 11:24:52 AM |
|
Mahaba-habang imbestigasyon pa mangyayari dyan sa Flood control project issues; ending nyan baka iilan 'lang din makakasuhan and mostly 'yung mga nasa baba 'lang ng foodchain. 'Yung mga pasimuno baka mauna pang umalis ng bansa and we will never hear from them ever again, they'll be sipping margarita in a private beach in the other side of the globe while tayo dito nagtitiis sa kaliwa't kanang baha. In certain countries, death penalty parusa 'dyan sa mga corrupt and I think meron din bill na isinusulong ngayon that's similar to it? Not sure 'lang if maipapasa 'yan. If magiging aktwal na batas na 'yan, kabahan na talaga mga kurakot and future mangungurakot.  May nakita akong isang post about dyan na parang nag aayos na sila ng mga banks nila para pag sinilip is hindi halata forgot san ko nakita yun kasi ang dami nang topics na nag sulputan recently about sa flood control project eh imagine sa ibang bansa grabe yung government officials nila pag nag kamali sila mismo pero dito talagang pakapalan nalang na hinubog ng panahon eh dito na nag come up yung result ng mga ginawa din ng ilan nating mamayan na pag boto ng maling mga tao sa senado or even the government officials.
|
|
|
|
fullfitlarry
Member

Offline
Activity: 75
Merit: 46
|
 |
August 31, 2025, 12:09:13 PM |
|
Kung hindi ako nagkakamali may mga exposure na to last year pa, Rappler yata yung naglabas at napapanood ko na to sa Titktok ko.
Pero ngayon lang talaga pumutok tong balita na to, pero bigtaym ang involved dito kaya malabong may makulong na malaking isda. Siguro mayroon papalabasin na mahuhuli pero mallit lang to.
At ganun din makakalimutan na naman pagtapos ng ilang buwan ang subject na to at ligtas na naman ang mga korupt na involved na bilyon bilyon ang tinangay sa kaban ng bayan.
|
|
|
|
happybitcoinph
Member

Offline
Activity: 370
Merit: 24
OrangeFren.com
|
 |
August 31, 2025, 12:37:42 PM |
|
Mahirap imbestigahan ang kaso kapag ang circle of investigators ay may participation sa scheme. hehe.
Ganun pa man kailangan ko umasa na may mangyayaring maganda.
All-support ako sa ginawang hakbang ng Mayor Vico namin simula pa nung panahon na di pa pumuputok ang isyu ng flood control projects.
|
|
|
|
Oasisman
|
 |
September 01, 2025, 11:39:17 PM |
|
Mahaba-habang imbestigasyon pa mangyayari dyan sa Flood control project issues; ending nyan baka iilan 'lang din makakasuhan and mostly 'yung mga nasa baba 'lang ng foodchain. 'Yung mga pasimuno baka mauna pang umalis ng bansa and we will never hear from them ever again, they'll be sipping margarita in a private beach in the other side of the globe while tayo dito nagtitiis sa kaliwa't kanang baha.
This is 100% true. May mga contingent plans yang mga yan, dahil kahit ano mang ingat at pagtatago nila para hindi malaman ang pagnanakaw nila, ay darating talaga ang panahon na may sumilip. Sa bilyones na ninakaw nila, pwedeng pwede na silang umalis sa bansa at sa ibang bansa na ipagpatuloy ang natitira nilang oras dito sa mundo lol.
|
|
|
|
Mr. Magkaisa
|
 |
September 02, 2025, 07:38:42 AM |
|
Itinanggi kahapon ni Discaya na may 40 silang luxury cars at 28 lang daw, diretso pati syang tinanong kung may Bnetley sya pero wala daw. Ayon naman sa source na ito ... meron : https://www.pep.ph/lifestyle/lifestyle/188300/38-vehicles-prices-discaya-family-a5128-20250826-lfrm3Bentley BentaygaNovelty drove the addition of the Azure Blue Bentayga to the Discaya garage: “Pag may kakaiba, yun ang what attracts me to buy.
"Kaya nagustuhan ko ito, may champagne glass decanter siya sa loob. Pero hindi naman namin nagagamit.”
A Bentayga with this specification is valued at PHP15 million to PHP18 million in the localPinasok kanina ang bahay at garahe pero wala na dun halos lahat ng Luxury cars.
|
|
|
|
blockman
|
 |
September 02, 2025, 09:43:08 PM |
|
Sana hindi ito yung sinasabi ni Mayor Magalong na moro-moro na investigation lang dahil walang kumakanta kung sino talaga yung boss nila. Kahapon nga sa HOR, gusto ni Toby Tiangco na imbitahan si Mayor Magalong to name names na nga daw pero itong si Abante, bakit hindi nalang daw magfocus muna sa mga contractors na nandon sa kanila. Simple lang naman, magsasabi lang siya ng motion for invitation tapos okay na, sa next hearing invited na. Tapos itong si Ridon, grabe mga tanong sa contractors "are you denying that you don't have a ghost project?". Grabe lang, ako nalang sana naging tagapagtanong nila. Kaso mukhang moro-moro lang talaga at may pinoprotektahan. Isa pa ito si Garin, protektadong todo si Zaldy Co.
|
|
|
|
PX-Z
Legendary
Offline
Activity: 1932
Merit: 1218
Wallet transaction notifier @txnNotifierBot
|
 |
September 04, 2025, 04:08:30 PM |
|
Mostly talaga congressman at DPWH regional execs ang mga malalaking kupit diyan. Yung mga contractors mga pain lang yan at mostly sila biktima since tinatrabaho nila yung budget to make the project happen, at business yan, materials and labor binabayaran. Kaya at the end, sub standard gawa para lang makaprofit. Of course, exempted yung mga ghost project na mga takteng yan, 10% lang yata ginawa tapus goods na.
If you will think about it, DPWH pa lang yan. May nakita akong vid, although walang proof about sa same scenario sa DOH about sa cash transfer to UNICEF. Yung mga overprice na mga equipments sa DepEd, sa DoTr meron din yan, lalo na sa DILG, dahil under yan ang mga LGU. Isipin mo, ang lalaki ng budget ng bansa, billions, pero bat parang napakahirap parin ang bansa.
|
|
|
|
|