1- Pero syempre, kailangan pa ring isaalang-alang yung risk kapag gumagamit ng unlicensed exchange. Una, pwedeng ma-block ng ISP o mawala sa app store kaya mahirap i-access bigla. which is may solutions naman ( yung change DNS lang to google DNS).
Halos wala din talaga risk kasi yung sa binance ang tagal na din, ang major risk lang talaga ay walang pananagutan or wala kang habol kasi gumagamit ka ng unlicensed platform.
2- Pangalawa, wala kang proteksyon pag na-hack yung exchange o biglang mag-shutdown, goodbye funds talaga.
True pero since nasa crypto space tayo, ito ay isa sa pinakacommon na dapat na maging aware tayo at maging maingat kasi nga crypto ito, anything can happen kahit pa sabihin nating may accountability ang mga platforms, mahirap pa din maibalik ang nawala.
3- Pangatlo, posible rin na yung coins na mabili mo ay “dirty” o galing sa illicit wallets, at kapag nilipat mo sa regulated exchange baka ma-flag o ma-freeze. At higit sa lahat, kung mawala ang pera mo, mahirap magreklamo o maghabol kasi hindi sila rehistrado rito.
So malinaw na crypto trading is still allowed. Ang tanong na lang: handa ba tayong tanggapin ang risk ng paggamit ng unlicensed exchanges, o mas pipiliin natin yung mga rehistrado para may konting peace of mind?
Crypto is still allowed, obvious naman din sa mga traditional banks na may crypto sa apps nila and also licensed digital wallets na meron na din. Gusto lang talaga nila na protektahan tayo and at the same time, hakutin nila ang mga users at ilipat sa local exchange kasi win-win.