I-share ko lang mga kabayan, kaka launch lang ng BetterGov.ph kanina. (
Link to original post)
BetterGov is a volunteer-led tech initiative committed to creating #civictech projects aimed at making government more transparent, efficient, and accessible to citizens. [...]
This was once a silly idea around June 2025 due to my frustration browsing government sites like gov.ph [...]. Today, that silly vision has evolved to something else bigger. To play a bigger role. Thanks to the people who messaged and emailed me I am really convinced that this tiny playground is a great outlet for creative projects with an impact.
We filipinos deserve better.
Web portal ito kung saan pwedeng ma-access lahat ng online government services. Ang maganda dito eh meron silang mga dinagdag na additional features na wala sa original na gov.ph gaya ng mga nasa ibaba. Tuloy tuloy din ang development at maintenance nito kaya susubukan kong i-update dito.
Community-driven ito kaya kung merong mga developer dito na interesadong mag contribute, join lang kayo (lalo na sa mga IT students/fresh grad para pang dagdag sa portfolio). Meron din silang non-dev roles, i-check niyo nalang dito sa
Discord nila.
Kung ikukumpara ito sa official na government web portal natin, mas maayos pa yung gawa ng mga volunteer kumpara sa gawa ng gobyerno na may nakalaang budget para sa ganito. Nakakalungkot lang isipin na kailangan pa na yung mga mamamayan ang umaksyon para mapunan ang kakulangan nila.
Edit: Kung meron kayong magandang ideas na gustong i-submit, pwede
dito via GitHub. Merong nag-submit ng idea na Blockchain powered community government project reporting app. Maganda 'to para ma-monitor ng maayos ang progreso at maiwasan yung mga substandard at ghost projects na talamak ngayon sa atin.