Para naman magkaroon tayo ng konting break sa mga political at corruption na diskasyon ating balikan kung paano nagevolve ang Bitcoin mining mula ng paunang pagmina ni Satoshi Nakamoto hanggang sa latest Mining Asic na ginagamit ngayon sa pagmimina ng Bitcoin.
Narito ang inforgraphic ng timeline ng pageevolve ng hardware sa pagmimina ng Bitcoin.
this image is AI-generated
Sa taong 2009 ang genesis block ay namina ni Satoshi Nakamoto gamit ang kanyang personal computer. Hindi masigurado kung anong model ng cpu ang gamit nyang pagmina pero inaasume ni Sergio Learner na ang gamit ni Satoshi sa pagmimina ay quad core na may hashing rate na 1 Mh/s.
Unang Henerasyon ng pagmimina Ang CPU mining (2009)Halimbawa ng CPU mining farm

Dahil wala pa gaanong competition ng panahon na ito, ang isang normal na CPU o Central Processing Unit ay napakaepektibong gamitin sa pagmimina ngunit ng tumagal at nakilala ang Bitcoin at potential nito, tumaas ang competition sa pagmimina na naging sanhi ng paghahanap ng makabagong paraan para makakuha ng advantage laban sa ibang mga Bitcoin miner. at isa rin sa kadahilanan kung bakit CPU lang ang gamit sa panahong ito ay dahil ang program para sa mining ng Bitcoin ay para sa CPU hardware lang. Sinasabi rin na ang Bitcoin Core ang software na nirelease ni Satoshi para minahin ang Bitcoin gamit ang CPU. Ang source code nito ay makikita dito:
https://github.com/bitcoin/bitcoinPangalawang Henerasyon ng Pagmimina ang GPU mining (2010)
Somewhere in mid 2010 ArtForz developed GPU miner at sinasabing na mina ng GPU mining farm ang unang block noong 18th of July, 2010 at ipinaalam ang availability ng GPU mining software sa Bitcointalk ni Puddinpop sa post na ito:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=133.msg13135#msg13135 . Unti unti pinalitan ng GPU mining ang CPU mining dahil sa effectivity ng pagmimina ng Bitcoin sa panahong ito.
Ikatlong Henerasyon ng Mining Ang FPGA [Field-Programmable Gate Array] (2011)
Noong June 11, 2011 lumabas ang unang opensource FPGA Bitcoin miner implementation. Ang FPGA ay isang kakaibang integrated na tipo ng blankong sirkito na ginagamit sa iba't ibang application. Para itong isang device na blanko kung saan niloload ang isang firmware para gamitin ayon sa kagustuhan ng nagmamay-ari. Katulad ng pagload ng isang mining firmware sa Xilinx FPGA para gamiting pagmina ng Bitcoin. Sinasabing mas epektibo ito sa pagmimina kaysa sa GPU dahil sa mas mababa ang pagkunsomo ng kuryento at mas mataas ang efficiency ng pagminina. Iyon nga lang at hindi tumagal ang atensyon sa FPGA dahil sa paglunsad ng ASIC Miner.
Ikaapat na Henerasyon ng Mining Ang ASIC [Application-Specific Integrated Circuit.] (2013)
Sinasabing ang Asic Miner ay founded noong July ng 2012 matapos magsimula ang BFL(Butterfly Labs) na tumanggap ng mga pre orders noong Juen ng 2012. August ng 2012 ng magsimula silang nagkaroong ang BFL ng IPO para suportahan ang kanilang proyekto sa paggawa ng mga Asic Miners. Ang unang batch ng pagrelease ng Asic miner ay ginampanan ng Canaan Creative, founded by Zhang Nangeng, sa pamamagitan ng pagdeliver ng AvalonMiner Batch #1 noong late January 2013. Ito ay may spec na ~68 GH/s at ~600 W at kinilalang unang naging available na asic miner sa market.
Sa pagdaan ng panahon, nadevelop ang unang Asic miner upang maging mas epektibo ang paghahash nito at mas matipid sa kuryente. Makikita natin sa infographic na ito on how these Asic Miners ay nadevelop sa pagdaan ng panahon:

(Efficiency is expressed in joules per terahash (J/TH), kung saan ang mas mababa ay mas mainam).
Sa tingin nyo magkakaroon kaya tyo ng ikalimang henerasyon ng Bitcoin or Cryptocurrency mining farm kung saan ang Quantum Computers ay maiintegrate sa pagminina ng Bitcoin or Cryptocurrency?
Source:
https://www.nicehash.com/blog/post/the-history-of-cryptocurrency-mininghttps://pontem.network/posts/the-evolution-of-bitcoin-mininghttps://bitcoin.stackexchange.com/questions/3539/how-do-i-mine-with-fpgasThe Evolution of Bitcoin Hardware published by Michael Bedford Taylor, University of Washington