Wayback 2023 nakapag install ako ng app and naalala ko every Month or minsan after few Months ako nakakapag open para lang makapag claim ng tokens. Dahil selected countries lang noon available like singapore pa noon yung orb verififcation hindi ako nakapag verify ng account ko. Basta natatandaan ko madami dami na rin ako naipon na mga tokens nya. So fast forward tayo this Year naka pag pa verify na din ako ng account sa wakas pero yung mga naipon ko noon na tokens ni wolrd coin wala na. Nakakapang hinayang lang na di ko man lang na claim yung mga lumang tokens noon. And mahal na din kasi ngayon yung price per token. Sa mga nakapag verify noon wayback 2023 congrats sa inyo kasi may magagamit kayo na funds. Madami na pala available dito sa pinas kaso selected lang na locations and minsan ubusan pa ng available schedule for verifying your account.
Marami ako mga kaibigan na nakapagverify di pa ako nakapgverify dahil wala pa ako panahon, pero kapag may nagpapaverify sinasamahan ko sa mga mall, sobrang dami ng tao halos hawak ng buong Worldcoin yung buong floor.
Malimit ako sumama sa verification sa Ayala Mall Feliz, naguumpisa ang verification ng 8 ng umaga at natatapos ng 9:30 ng gabi nag sisideline ako taga hatid sa verification site may motor kasi ako ,yung isa kong kapitbahay bale 10 sila sa bahay na nagpaverify at meron sila na rereceive na 250 to 350 a month for one year kaya yung pambayad ng tubig at kuryente nila si World coin na ang sagot.
Dito kasi di ka naman basta ka lang iiscan need mo makinig sa seminar nila kung ano ba talaga ang World coin ang alam ko wala dito interview, wala id wala lista ng pangalan basta seminar scan then uwi na kaya 20 minutes tapos agad.
May purpose itong Wold coin apps nila ang dami airdrops pero ang dami ring mini apps na related sa gambling sa apps nila baka isang araw baka yung mga casino dito na rin mag advertise.