Medyo duda ako sa picture na ‘yun, sinasabi na 2025 daw ang paglago ng Coins.ph. Parang hindi naman totoo ‘yung essence niyan, kasi karamihan sa atin dito would agree na hindi na gano’n kaganda gamitin ang Coins.ph dahil sobrang strict na nila.
Baka sinama na iyong database mula pa noong una dyan sa bilang na iyan. Alam naman natin na talagang maraming nagregister sa coins.ph lalo na iyong mga baguhan sa crypto tuwing kasagsagan ng crypto bull run. Nagamit din ito sa mga Ponzi Scheme na marahil ay isa sa naging dahilan ng pagdami ng miyembro nila at isa rin sa naging dahilan ng sobrang paghigpit ng coins.ph
Most of us are now using unregistered exchanges in the country like Binance. Siguro oo, madami silang users or bagong wallets na nagawa, pero in terms of trading volume, yung mga malalaking traders lumipat na talaga sa ibang platform.
Tama ka kabayan isa rin ako sa mga foreign exchange ang ginagamit pero kung iisipin hindi naman ganun kalaki ang percentage natin dito sa forum kumpara sa kabuoang cryptocurrency users dito sa Pinas. So wala tayong solid ground to refute the claim.