Nabasa ko sa isang report ng
VanEck na mas pinipili na raw ng mga young investors lalo na sa mga emerging markets ang Bitcoin kaysa sa gold bilang “safe haven” or store of value.
Sabi ni Matthew Sigel ng VanEck, kung makuha lang daw ni Bitcoin ang kalahati ng demand ng gold bilang store of value, posibleng umabot ang presyo niya hanggang $644,000 per BTC.

Interesting kasi parang nagkakaroon na talaga ng generational shift.. yung mga older investors, loyal pa rin sa gold; pero yung mga kabataan, mas naniniwala sa digital assets.
Realistic ba talaga na palitan ni Bitcoin ang gold sa role nito bilang safe haven?
O baka hype lang ulit ‘to, lalo na ngayong bullish season?
What do you guys think, Bitcoin over Gold, or gold is still king pagdating sa long-term safety?
Pero mas okay na both meron ka, ayun yung ginawa ko nung nag pump 2021-22, after ko makapag take profit bumili din ako ng Gold and now ATH yung gold tapos yung buyback mo sa BTC dip eh nag pump din so win-win ka both, binawasan mo yung risk, nag-secure ka ng funds, pero panalo ka both diba? Totoo na ang kabataan ngayon is more on technology side na talaga, ayaw sa traditional madalas pero mas okay na i-consider natin ang mga tangible na bagay, may mga napapanood ako na after 20 years, milyon na pala yung worth nung ginto na tinago niya. Hindi lang naman siya about sa profit, ang usapan din kasi eh kung ano ang safe haven, mabilis kay BTC but sa pag-diversify mo ng buong port mo eh, secured ka at walang pressure. Consider din natin yung mga nawawasak yung port kasi all in crypto, walang pahinga kasi worried ka sa sobrang volatile nito so for short, depende talaga sayo yan, at the end of the day both ay maganda.