May bagong panukalang batas si Rep. Edgar “Egay” Erice, tinawag na Philippine Tokenization and Crypto Adoption Act of 2025 (HB 4792).
Layunin daw nitong palawakin ang crypto adoption sa bansa at pababain ang remittance fees para sa mga OFWs.
Kasama sa bill ang paggawa ng National Council on Digital Assets and Tokenized Investments (NCDATI) na mamahala sa lahat ng may kinalaman sa crypto, tokenization, at DeFi sa Pilipinas.
Ang tanong, magandang hakbang ba ‘to para sa crypto industry, o magiging dagdag regulation lang na makakapigil sa maliliit na traders at unregistered exchanges tulad ng Binance na madalas gamitin ng karamihan sa atin?
Sinasabi ng bill na gusto nitong protektahan ang users laban sa scam at magbigay ng malinaw na guidelines, pero siyempre, alam na natin minsan kung gaano kabagal at kabigat ang local regulation kapag pinasok na ng gobyerno.
Ano tingin nyo mga kabayan?
Makakatulong ba talaga ito sa crypto adoption sa Pilipinas o baka mas lalong magpahirap sa mga ordinaryong users at traders?
read the source here
https://bitpinas.com/regulation/erice-crypto-bill/