Isipin nyo na lang tong Andreas Antonopoulos noong 2013, halos walang nanood. Naalala ko tong mga video nya na pinapanood ko noong pandemic era. Napanood nyo na rin ba to at isa to sa mga inspirasyon nyo bat kayo nag BTC?
Oo, authority naman talaga si Andreas at ginagalang pagdating sa Bitcoin. Heto ang kanyang Youtube account:
https://www.youtube.com/@aantonop.
Wala pa kasi talagang interest ang tao noon, kung meron man eh talaga sigurong nasundan na ang Bitcoin at alam na ang potensyal nito. At ang kagandahan lang sa mga seminar at mga video is Andreas ay kahit sa panahon na to angkop parin sya.
Kaya totoo rin ang sinabi mo na malayo na talaga ang narating ng Bitcoin. Sobra talaga ang paglago nito pagkatapos ng 2017 kasi heto yung panahon na maraming kumita ng malaki noong bull-run nito at marami rin ang kumontra kaya parang naging kontrobersyal sya sa tamang rason.