Sa dami ng beses nang bumagsak ang presyo ng Bitcoin, madami pa rin ang nagtatanong, ano ba talaga ang mga dahilan sa likod ng mga biglaang “dumps” sa market?
Eto yung mga malalaking nangyari dati at kung bakit.1. Mt. Gox Collapse (2013–2014)Isa ito sa pinakaunang major crash. Mt. Gox noon ang halos may hawak ng buong BTC trading sa mundo, pero biglang nag-freeze at nagdeklara ng bankruptcy. Nawala ang tiwala ng mga tao, kaya bagsak presyo.
2. 2018 Bear Market (ICO Bubble Burst)Noong 2017 umabot ang Bitcoin sa halos $19,000, pero early 2018 biglang bumagsak. Dahilan: daming scammy ICO projects, bans sa China at South Korea, at sobrang hype. Classic na “bubble burst.”
3. March 2020 – COVID PanicNung pandemic, halos lahat ng market bumagsak — kasama na crypto. Lahat nagbebenta para mag-hold ng cash. Resulta: Bitcoin bagsak din, kahit walang issue sa crypto mismo.
4. May–June 2021 – Tesla at China CrackdownNa-trigger ng tweets ni Elon Musk (na hindi na raw tatanggap ng BTC ang Tesla) at ang bagong mining ban ng China. Naghalo ang panic at profit-taking kaya bumagsak ulit ang presyo.
5. November 2022 – FTX CollapseIsa sa pinaka-sakit sa ulo ng crypto history. Bumagsak ang FTX exchange, nadamay ang dami ng kumpanya at traders. Nawala ulit ang tiwala sa buong market.
Mga Common na Dahilan Bakit Nagkaka-Dump- Exchange failures – gaya ng Mt. Gox o FTX, pag bagsak ng malaking platform, domino effect.
- Regulatory fears – bans, SEC actions, o negative news mula sa gobyerno.
- Macro panic – mga global events tulad ng COVID o wars, nagpapabagsak sa lahat ng markets.
- Leverage liquidation – sobrang dami naka-long gamit margin, tapos na-liquidate isa-isa.
- Market psychology – big news, tweets, o hype na mabilis magpalit ng sentiment.
Sa totoo lang, lahat ng dump may common theme: panic at kawalan ng tiwala.
Pero kadalasan, pagkatapos ng mga malalaking crash, doon din nagsisimula ang susunod na bull run.