Madalas tayong nabibigla or nagkakaruon ng urge na bumili ng Altcoin/bitcoin kahit mataas na, dahil takot tayong maiwanan or Fomo(Fear of missing out) ito madalas ang nangyayare sa mga papasok ng crypto bagamat bago palang nagiging impulsive tayo at bili ng bili ng hindi pinapagaralan ang sitwasyun, minsan nasa itaas na ang value pero bumibili parin tayo, anu nga ba ang maari nating gawin para makabili tayo ng mura kung tayo ay nagsstart palang sa crypto?
Dapat aralin:
- Bull Run - Sitwasyun kung saan ang presyo ay tumataas ng deretso sa sitwasyung ito dapat aralin at huwag magpapaapekto sa emosyun or maFOMO
- Bear Market - ito ay sitwasyun kung saan ang presyo ay bumaba at nagkakaroon or maaring correction sa presyo, or minsan bumababa pa sa price neto dati or lowest
- Market Crash ito naman ay ang biglaang pagbagsak ng market ng di inaasahan dahil sa mga balita na nagdudulot ng panic sa mga holders mostly oras , araw tumatagal
Sa mga nasabi ko importante din na alam natin ang bibilhin nating mga token ay may potensiyal na tumaas, maari natin itong makita sa mga partner nito maari ding founder, at mga collaboration or partnership sa ibang mga companies,
Iwasang bumili ng mga memecoin sapagkat hindi ito pangmatagalan, maaring may bumibili at nakakachamba dito subalit ito ay isang sugal, kung ikaw ay bago palamang iwasan ang ganetong estratihiya dahil ito ay mapanganib, at maaring maubos ang iyong pondo ng walang nangyare, at magsimula ka ulit sa wala.
Sa tatlong nabanggit ko ang pinakamagandang bumili ay sa bear market, subalit okay din naman sa Market Crash subalit hindi ito tumatagal kagaya ng Bear Market, karaniwan nangyayare ang market crash sa loob lang ng ilang oras o araw at maari din itong bumalik sa dating presyo, after an araw hour minsan minuto lang.
Kayat ang masasabi ko lang dapat mo munang aralin ang market bago ka sumugal at tumaya ng hindi ka basta basta maliquidate kagaya ng nangyare sa ibang mga naginvest at naubos ang kanilang pondo, ang crypto ay hindi lang basta maginvest ka kelangan mo rin na aralin ang mga sitwasyun para hindi masayang ang iyong oras, bukod kasi sa pera, kailangan mo din ng research at pasensya, dahil nakakastress din ito lalo na kapagnakikita mo nauubos or nawawala ang value ng token mo.
Iwasang maging emotional, iwasan basta basta nalang bibili ng kahit anu ng walang research, totoong may swerte, pero kung ang swerte dagdagan ng sipag at pagaaral magiging matagumpay ka, mas mataas ng ilang pursyento sa iba.
Sana makatulong ito sa ating mga kababayan, madaming naliquidate, sana naman maliit lang ang nawala satin, at meron na tayong naitabi, bago pa ang nangyaring crash na ito, ugaliin din magbasa ng news minsan mayroong hinti, katulad ng pagsara ng US Government, WAR or Gyera, at Sanctions at iba pa.