Buti pa itong Binance, tumulong pa rin kahit banned na sila dito sa Pilipinas.
E yung ibang exchanges na may license, lalo na yung Coins.ph, may ginagawa kaya silang charity para sa mga biktima ng lindol?
Napansin ko lang, parang bihira na ngayon yung mga foreign donations. Siguro takot na rin mag-donate yung iba, baka daw manakaw lang ng mga opisyal natin.
Nakakalungkot talaga, sirang-sira na ang reputasyon ng bansa. Parang hopeless na… kasi nga tinatawag na “systemic corruption”.. halos lahat may bahid, kaya ang hirap na talagang magtiwala.
Takot na men, alam na alam na sa foreign world na corrupt ang bansa natin. Kaya wala ng willing mag donate, hindi katulad dati, ang daming gustong tumulong. Kawawa talaga imahe natin sa labas. May issues sa sugal, sa former President, hindi magkasundo mga politicians dahil sa pera at ang malala bilyon bilyon ang tangay ng mga corrupt na opisyal.
Tama ka buti pa ang Binance Charity, dami ng natulungan nito, kahit nung pandemic alam ko may donasyon sila sa Pilipinas ng mga PPE. Kaya kudos sa kanila.