---
Kayo, ganon din ba approach niyo pag kumikita sa crypto, o proud niyo agad sinasabi sa mga tao?
Normal na sa atin na pag-isipan tayo na may ginagawa tayong masama lalo na kapag hindi nila nakikita personally yung mga ginagawa natin. Ganyan din ang tingin nila sa akin noon. Well, hindi dumating sa point na inisip nila na nagbebenta ako ng drugs dahil alam nila na di ako involve sa ganun pero yung pag-iisipan ka nila ng mali dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay noon pero may kumikita pa rin ako.
Nagshashare ako ng knowledge ako tungkol sa Bitcoin pero never kong sinashare sa marami yung kinikita ko. Alam naman natin na yung signature campaign ay isa sa way natin para at least kahit papaano kumita ng Bitcoins at never kong shinare yun sa kahit kanino, at hindi ko kailanman sasabihin yun. Congratulations sayo dahil nakapagpatayo ka ng bahay gamit ang Bitcoin. Yung sa amin eh napatayo pa lang pero hindi pa pwede tirahan at malaking part ng gastos namin ay dahil sa cryptocurrency particularly sa signature campaign.
Proud ako sa sarili ko at sa mga naabot ko pero hindi dadating sa point na need ko pang ishare o ibrag ito sa iba. Para sa akin, wala akong benefit kapag ginawa ko yun. Okay lang magshare ng knowledge pero wag magshashare ng kinikita sa crypto space dahil mahirap na at baka magaya tayo sa mga nangyayari sa ibang tao (wag naman sanang mangyari sa atin yun).