https://www.facebook.com/photo/?fbid=25001992959394763&set=a.497354763618590Post ko lang dito kasi nakausap ko yung pinsan ko tungkol dito.
Sabi niya, ito daw yung tinatawag na LS Trading.
Ang sabi niya, minimum investment ngayon is $100, pero yung sa kanya, more than $1k na ang na-invest.
Ang system daw ay trading signals, at kung mali raw yung signal, i-rerefund daw nila.
Tapos sabi pa niya, kung mag-trade ka, 1% lang daw sa investment mo ang ginagamit.
Kaya ang sabi ko sa kanya, baka scam yan, kasi kung 1% lang sa investment mo, parang kailangan pa nila ng 100x na bagong investors para makapag-ikot ng pera.
Kayo ba, kilala nyo ba itong platform na ‘to? Scam na ba sa tingin nyo?