So sa pagkakaintindi ko, ang binebenta nila or ang service ay crypto trading signal na walang risk. Dahil irerefund nila yung losses mo. I don't think this is legit. Sobrang too good to be true na magiging trading mo ay parang walang risk. Mag iinvest ka pa din sakanila when you can do it on your own.
Korek! Di na to bagong modus, parang kada taon na lang may mga ganitong modus talaga eh, di talaga natututo mga tao. Pero feel ko ang mga common an victims dito ay mga bagohan kasi pag nabiktima ka na dati ng mga ganito alam mo na yung modus talaga, di ka na uulit.
Yung iba nilalagyan lang ng kunting twists para "kuno" sabihing legit.
Meron na namang bago na nakikita ko ngayon, hehe, and ganun pa rin ang pattern. Dahil walang nakukulong, tuloy tuloy lang kasi hind kasama sa kaso yung mga community recruiters, so sasali at sasali pa rin sila dahil malaki rin ang nakukuha nila. Parang tinitreat na lang nila ito as gambling, try lang nang try.
Ang masakit pa, crypto pa ang ginagamit sa mga scams na ito, which really ruins its reputation. For sure this year, marami na naman ang magiging biktima.
Siguro mas maganda if may makita ulit tayo, ipost natin dito, same sa ginawa ng OP, at least may awareness kahit papaano.