
Bakit may mga mayayaman na Gold ang iniipon? Samantalang ang mga kabataan ngayon at ibang mga adult ay puro bitcoin ang tinitignan. At ang karamihan naman sa atin ay nakakulong parin sa Peso. Ano ba talaga ang panalo?
Kung gusto mong malaman kung saan mas magandang ilagay ang pera mo, sa Peso ba na hawak natin araw-araw? Sa Gold ba na matagal ng tinatawag na safe Haven? O sa Bitcoin na tinaguriang Digital Gold?

Unahin natin sa PESO, Kung hawak mo ang pera mo sa cash, savings account, o kahit sa time deposit, napakadali nitong gamitin, ito ang pinaka-liquid na assets na meron ka, Kung kailangan mo na pambayad ng kuryente o pang-enrol ng mga anak natin, o emergency bukas ng umaga ay Peso agad ang ating solusyon. Hindi natin kailangan na magbenta ng investment, maghintay ng buyers, o mag-alala sa biglaang pagtaas na presyo ng market.
Safe ito at very convenient din, pero dito pumapasok ang pinakamalaking kalaban ng Peso at ito ang
INFLATION. Isipin mo ito nung 2013 yung 100k PHP mo ay may mas malaking kakayanan kesa ngayon, mas mura ang pagkain, gasolina at mga bilihin sa palengke. For example 30pesos ang per kilo ng bigas noon, Pero ngayon halos dumoble na ang presyo. Ang parehong 100k ay iniiwan lang natin sa banko na kung saan bumaba ang tunay na halaga at lumiliit naman ang mabibili nito.

Kahit pa nakatago ang pera mo sa iyong savings account ay hindi ibig sabihin nito ay lumalago ito ng sapat, Oo may interest nga pero karaniwan ay from 0.25% to 1% lang per yr. Samantalang ang inflation naman sa bansa natin ay naglalaro naman sa 3% to 6% yearly. Ibig sabihin kahit kumikita ka ng konting interest ay ang pera mo mas mabilis parin nababawasan ang value nito.
Sa madaling salita ang
"Peso ay SAFE lamang sa short-term". At maganda lamang sa paggamit bilang emergency funds or daily expenses. Pero kapag ang usapan ay long-term tulad ng 5, 10, or 20yrs. siguradong LUGI ka. Dahil habang tumatagal ay unti-unting kinakain ng inflation ang halaga ng pera mo, at hindi rin naman agad natin ito mapapansin na biglang bumigat ang presyo ng mga bilihin.

Ngayon naman tignan natin ang GOLD, Bakit kaya ang mga mayayaman, malalaking kumpanya at maging mga ibang bansa ay nagtatabi ng kanilang mga Gold reserves? Simple lang ang sagot dahil ito ang pinaka-strong proteksyon against sa Inflation and Economic crisis. Kung Iisipin nga natin ay daang-daan taon na ang nakalilipas ay Gold parin ang tinitignan na sukatan ng tunay na yaman.
Hindi katulad ng pera na kayang iprint ng gobyerno ng walang limitasyon, Ang Gold ay may natural SCARCITY. At dahil dito ay hindi basta-basta bumabagsak ang halaga nito, kahit gaano pa kagulo ang economy ng mundo.

Ano ba ang Strengths ng Gold? una ito ay tangible assets, hawak natin ito bilang physically na Gold bar, coins or kahit Jewelry. At may totoong presensya na hindi agad mawawala sa isang iglap na hindi katulad ng mga digital numbers sa accounts.
Second ay consistent din itong tinatawag na Safe Haven, kapag may global crisis, giyera o matinding pagbagsak ng stockmarket, madalas tumataas ang demand sa Gold, kaya umaakyat din ang presyo nito. Pero gaya ng ibang mga investments ay may kahinaan din ito.
Hindi explosive ang growth, mabagal hindi katulad ng stocks lalo na sa cryptocurrency, steady ang galaw nya. Kaya kung ang hinahanap mo ay mabilis na pagyaman ay hindi Gold ang tamang assets para sayo. May dagdag ding issues sa storage and security, kapag pisikal Gold ang hawak mo ay kailangan natin itong itago sa ligtas na lugar, sa vault, sa banko o safety deposit box, at siyempre may cause parin yun.

Ngayon, para mas malinaw ay icheck natin ang Historical performance ng Gold.
YEAR PRICE OF GOLD PER OUNCE2010 USD 12002025 USD 3800 Meaning naging triple na ang value nya sa loob ng 15 yrs. Hindi ito instant jackpot, pero malinaw ang steady growth nya, At higit sa lahat ay napanatili nito ang kanyang purchasing power. Kaya kung ang hanap mo ay seguridad at proteksyon sa value ng iyong pera ay GOLD ang sagot. Pero kung ang hanap mo ay mabilis na kita ay baka mabitin ka lang dito.

Ngayon punta naman tayo sa pinaka-maingay at pinaka-kontrobersyal ang Bitcoin, sinasabi ng marami na ito ang kinikilalang digital Gold. Bakit kaya? dahil siyempre limited lang ang supply, hindi katulad ng pera na pwedeng dagdagan ng central bank. At ang Bitcoin ay meron lang fixed na 21milyons na units lang at kapag naabot na yun ay wala ng madadagdaganpa.
Kaya maraming naniniwala na habang tumatagal at lumalaki ang demand ay tataas at tataas ang value ng Bitcoin. Ang lakas ng bitcoin ay nasa growth potential nito. balikan natin saglit ang history ay wala pang 1$ ang isang Bitcoin nung 2010, Isipin mo kahit bumili ka ng 100btc nung time na ito ay wala pang 5k sa pera natin ang halaga for sure. Tapos nung 2017 ay umakyat ang price ni bitcoin ng halos 20k$ ang presyo nito, at nung 2021 ay umabot pa ng 69k$ ang price ni bitcoin bago muling bumagsak.
At itong mga nakaraang taon ay patuloy parin itong naglalaro sa mga swings, na ngayon ay nasa 111 000$ itong 2025, na dito pumapasok ang katotohanan na
BITCOIN IS HIGH RISK, HIGH REWARDS. Pwedeng dumoble o magtriple ang investment mo sa loob lamang ng ilang buwan. Pero pwedeng bumagsak ng half sa loob lamang ng ilang linggo. Ang volatility ay napakalakas, kumpara sa kahit anumang traditional na assets.
May isa pang aspeto ang Bitcoin Regulatory RISK, may mga iba ding bansa na nililimitahan din o pinagbabawal ang paggamit nito, at dahil wala itong central authority, lahat ng galaw ay nakasalalay sa supply, sa demand, at sa tiwala ng market. Kaya malinaw na " Ang Bitcoin ay para sa mga investors na handang sumugal".
TANDAAN: 1.
Ang Bitcoin ay hindi katulad ng Peso na ligtas para sa pang-araw-araw.2.
Ang Bitcoin ay hindi rin katulad ng Gold na stable na proteksyon. 
Ngayon para mas malinaw ay ilagay natin sila sa iisang mesa gaya ng nakikita ninyo sa larawan sa itaas nito. Unawain nalang ng babasa sa section na ito.

Ngayon kung gagawa pa tayo ng simpleng table ay:
PESO - pinaka safe, pinaka-liquid pero lugi sa inflation
GOLD - stable, pang-proteksyon, pero mabagal ang kita
BITCOIN - malakas ang growth potential pero sobrang volatile
Sa graph ng safety at growth ay makikita natin ang PESO nasa dulot ng SAFETY o halos walang Growth. Samantalang ang Gold naman ay nasa gitna safe at may konting Growth, Bitcoin naman ay nasa extreme ng Growth, pero kulang naman sa Safety. Sa madaling salita ay hindi ito kumpetisyon kung sino ang best sa lahat ng sitwasyon. Kaya mag-iiwan nalang ako ng tanung sa bawat isa dito.
Ano ang bagay sa Goals mo bilang Investors?So, san nga ba dapat natin ilagay ang pera mo? PESOS kung short-term needs ang kailangan mo tulad ng pambayad ng bills, emergency funds, o paghahanda sa mga biglaang gastusin hindi mo matatalo ang Peso dahil dito siya panalo.
- liquid accessible, at walang hassle, kung kailangan natin bukas andyan agad.
- bagay ito para sa mga immediate needs, pero hindi rin dapat gawing long-term parking lot ng pera mo.
GOLD para naman sa long-term safety and Proteksyon.
- valuable sa panahon ng crisis at inflation
- ito ang asset na hindi basta natitinag
- Pero hindi dapat asahan na ito ang magpapayaman sa atin ng mabilis na panahon
ang role nito ay parang insurance ng yaman mo.
BITCOIN Growth and Higer Returns
- ito ang asset na pwedeng magbigay ng extra ordinary GAINS
- Pero dapat malinaw din sa atin na ang balik nito para sa extra ordinary RISK
- Hindi ito para sa taong madaling kabahan dahil sa market swings
- Dapat malinaw na extra money lang ang ipapasok , pera na kahit mawala ay hindi sisira sa kabuhayan mo.