 |
October 28, 2025, 02:45:32 AM |
|
Napapansin niyo ba? Patuloy ang pagbaba ng Philippine stock market nitong mga linggo. As of October 23, 2025, nasa around 6,053 points na lang ang PSEi, medyo malayo na sa dating highs nito early this year. Sabi pa sa reports, may foreign outflows na umabot ng halos $4.16 billion sa buong Southeast Asia, kasama na ang Pilipinas. Dagdag pa d’yan, humihina rin ang peso laban sa USD kaya mas nadadagdagan ang pressure sa market.
Dahil dito, hindi na rin nakapagtataka kung bakit maraming investors ang nawawalan ng gana sa local stocks. Mabagal ang galaw, madaming uncertainties, tapos laging may currency risk pa. Kaya karamihan, naghahanap ng ibang option at isa sa mga napupuntahan nila ay crypto trading.
Sa crypto kasi, mas madali pumasok, walang waiting game sa mga earnings report, at may mas malaking potential (syempre mas risky rin). Pero habang matamlay ang stock market, mukhang dito muna tataya ang mga gustong may galaw at excitement.
Kung ganitong tuloy-tuloy ang bagsak ng PSEi, baka mas dumami pa ang mga Pilipinong lilipat sa crypto market.
Thoughts ninyo dito?
|