
Nabasa ko na ‘to dati, pero ngayon nandito na talaga sa Pilipinas. Akala ko noon sa gaming lang puwedeng may ganitong tournament, pero ngayon pati crypto trading ginawa na ring esports. Ang bilis ng takbo ng trend ngayon , may live audience, commentators, tapos maglalaban-laban pa mga traders parang pro gamers.
Medyo interesting siya kasi pwede rin maging paraan para ma-promote ang crypto awareness, pero sa kabilang banda parang delikado rin kung puro hype lang ang dating. Alam naman natin maraming sumasali sa ganito na walang sapat na knowledge sa trading, tapos pag natalo, sisihin na naman ang crypto.
Kayo, tingin niyo ba okay itong ganitong concept? Or baka mas lalo lang nitong gawing “laro” ang trading na dapat seryosohin?
https://bitpinas.com/pr/crypto-esports-league-ph-2025/This November 8, 2025, the Philippines will make history with the launch of the Crypto Esports League PH 2025 — the first-ever crypto trading esports competition in the country. It’s where finance meets gaming, and Filipino traders battle not just for profits, but for prestige, skill, and glory.
Competition naman ito kaya okay lang, waglang gayahin ng mga trader, na para kang nakikipagkumpetensya sa mga katrade mo, pagnagtretrade ka dapat hindi titignan ang trades ng iba kasi iba ang approach nila, kung meron kanang sariling strat iyon ang sundin mo, kung gusto mo gayahin ang strat ng iba need mo muna pagaralan.
Maganda ito para sa mga magagaling magtrade dito sila magpagalingan pero sa totoong buhay, wag gawin ang makikita dito kung hindi kapa bihasa, what works for them might not work for you.