Ang CBDC o Central Bank Digital Currency ay basically digital version ng pera ng bansa, pero controlled ng central bank. Parang cryptocurrency ang dating, pero hindi decentralized... meaning, gobyerno pa rin ang may full control. Halimbawa, kung may digital peso ang Pilipinas, yun ay gagawin, i-issue, at mamanage ng Bangko Sentral. Hindi siya katulad ng Bitcoin na walang central authority.
Bakit gustong-gusto ng mga bansa na itulak ‘to ngayon?- Control at monitoring - mas madali nilang ma-track ang galaw ng pera, pati kung saan napupunta.
- Laban sa money laundering at tax evasion - dahil transparent sa gobyerno ang transactions, hindi ka basta makakapagtago.
- Faster transactions - mas mabilis kaysa sa traditional banking, lalo na kung local payments lang.
- Less dependence on cash - gusto ng mga bansa na mas digital ang economy, mas madali i-regulate.
Pero siyempre, may concern din dito. Kung puro digital na at government-controlled, ibig sabihin mas madali rin nilang i-freeze, i-limit, o i-monitor ang pera ng tao. Kaya iba ang tingin ng crypto community, para sa gobyerno, CBDC ay “innovation,” pero para sa mga pro-Bitcoin, isa itong tool ng total control disguised as modernization.
Kayo, anong tingin niyo? CBDC ba ay progress, o another way lang ng gobyerno para mas lalong bantayan ang galaw ng pera natin?
Learn more about CBDChttps://www.investopedia.com/terms/c/central-bank-digital-currency-cbdc.asphttps://www.atlanticcouncil.org/cbdctracker/https://www.imf.org/en/Topics/digital-payments-and-finance/central-bank-digital-currency/virtual-handbookhttps://www.edps.europa.eu/press-publications/publications/techsonar/central-bank-digital-currency_en