Ako kasi kahit bilib na bilib ako sa Bitcoin, sa totoo lang sa altcoins talaga ako kumita.
Minsan mas malaki talaga ang galaw nila, lalo na pag bull run, kaya kahit maliit ang puhunan, malaki ang balik.
Kung e kumpara natin noon, lalon-lalo na last 2016 hanggang 2018, subrang malaki ang kinikita ng mga nag-aaltcoins. Subrang sikat nila noon kaya maraming naakit mag invest. Hindi pa kasi uso ang scam noon. Pero ngayun, subrang nakakatakot na, lalong-lalo na sa mga hype projects. Bumili ka ngayon baka paggising mo kinabukasan $0 na ang presyo.
Malaki ang pwede nating kikitain sa Altcoin kaysa Bitcoin pero ang risk nito ay subrang laki din. Kung ang goal natin ay for long-term, mas mabuti na doon tayo sa Bitcoin. Kahit maliit man, at least, may assurance tayo na andyan pa ang pera natin.
Nung 2017 talaga namang kalakasan ng mga altcoins nun, naalala ko nun hindi na nga lang ako sure na may nasalihan ako na bounty campaign nun tapos ilan lang kaming participants wala pa ata kaming 10 nun I think nasa 5 or 6 lang ata, tapos ang active ako lang natapos yung campaign yung allocation para sa campaign na yun ay nakuha ko lahat.
Then siyempre hindi naman agad-agad makukuha yung rewards kundi maghihintay pa ng ilang buwan bago natin ito makita sa wallet na binigay natin, then after ilang buwan nareceived ko, at hinintay ko ulit naman na malist sa exchange kahit hindi kilala yung exchange ay kumita parin ako ng malaki at nung time na yun parang member o jr rank palang ata ako nun. Kaya kahit naman hanggang ngayon pwede parin naman na kumita tayo ng mas malaki sa Bitcoin as long as na marunong tayong kumilatis ng tamang altcoins o di-kaya malawak ang kaalaman natin sa trading para makakuha ng profit dito sa crypto space.